SB19 binagyo ng swerte sa 2019; No. 1 na sa Google, gumawa pa ng history sa concert scene | Bandera

SB19 binagyo ng swerte sa 2019; No. 1 na sa Google, gumawa pa ng history sa concert scene

Ervin Santiago - December 27, 2019 - 12:20 AM

SB 19

TAON ng grupong SB19 ang 2019! Talagang binagyo sila ng blessings ngayong taon!

Imagine, sa loob lang ng ilang buwan ay ilang bonggang achievements na agad ang kanilang tinanggap.

Kamakailan nga ay kinilala sila bilang number one “most searched male personalities” sa Google’s recap of the Philippines’ trending topics in 2019. Ang SB19 ay isang Filipino group na sumailalim sa matinding training under the Korean idol system.

Tinalo nila sa nasabing kategorya sina Mayor Vico Sotto ng Pasig (2nd spot) at Mayor Isko Moreno ng Maynila (4th spot). Nasa ikatlong pwesto naman si Gerald Anderson na naging kontrobersyal dahil sa break-up nila ni Bea Alonzo at sa umano’y relasyon nila ni Julia Barretto.

Nasa ikalimang pwesto naman ang beauty vlogger na si James Charles, sinunadan ni “Joker” star Joaquin Phoenix, ikapito si The Voice coach Bamboo, habang ikawalo sa listahan ang online sensation na si Dante Gulapa, na sinundan ng boyfriend ni Vice Ganda na si Ion Perez at Top 10 naman si Juan Karlos Labajo.

Samantala, gumawa rin ng kasaysayan sa mundo ng concert scene ang SB19 matapos ma-soldout sa loob lang ng tatlong minuto ang tickets sa kanilang “Get IN THE ZONE” concert na magaganap bukas, Dec. 28 sa Cuneta Astrodome.

“A’TIN, we successfully filled out all 3,500 seats in just 3 minutes! Thank you very much for patiently waiting. We’re sorry for making you nervous. Let’s all have fun on December 28!” ayon sa tweet ng isang fan group ng SB19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending