Andrew E naloka sa presyo ng pagkain sa South Korea: Egg lang at konting gulay! | Bandera

Andrew E naloka sa presyo ng pagkain sa South Korea: Egg lang at konting gulay!

Therese Arceo |September 30,2023
facebook
share this

Andrew E naloka sa presyo ng pagkain sa South Korea: Egg lang at konting gulay!

Therese Arceo - September 30, 2023 - 11:30 PM

Andrew E naloka sa presyo ng pagkain sa South Korea: Egg lang at konting gulay!
VIRAL ngayon ang post ng rapper at komedyanteng si Andrew E. kung saan ibinahagi nito ang halaga ng in-order na pagkain habang namamalagi sa Seoul, South Korea.

Hindi kasi makapaniwala ang rapper nang makita ang presyo ng kanyang in-order na pagkain.

“46,000…!!! Egg lang at konting gulay…!!! Oh my gulay!!! [shocking emoji],” saad ni Andrew E sa caption ng kaniyang Facebook post.

Umani naman ng samu’t saring komento ang naturang post ng rapper mula sa madlang pipol.

May mga nagsasabing OA raw ang reaksyon ni Andrew E dahil ang 46,000 Korean won ay nasa P2000 lang kung iko-convert sa Philippine peso.

Ngunit mayroon ring mga netizens ang nag-comment at idinamay pa ang kontroversyal na confidential funds na mainit na usapin ngayon.

Baka Bet Mo: Zeinab kinausap si Andrew E ukol sa hit song na ‘Humanap ka ng Pangit’: Kahit pangit ngayon ay nagloloko

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Yung 125 Million Pesos nga 11 days lang eh. Mas magulat ka don,” saad ng isang netizen sa post ni Andrew.

Comment naman ng isa, ““Wala yan sa kakilala ko. 125 million in 11 days hahahaha.”

Hirit pa ng isa kay Andrew E, “Grabe nga, 125M in 11 days!!!! Oh sheee minecraft”

May ilan pa na nagsabing magpalibre daw siya kay Vice President Sara Duterte.

Sa ibang mga posts kasi ni Andrew ay makikitang kasama niya ang bise presidente da naganap na Filipino Community event sa Seoul, South Korea.

Matatandaang mainip na usapin ngayon ang naging paggastos ng Office of the Vice President ng P125-M confidential funds sa loob lamang ng 11 days.

Samantala, burado na sa ngayon ang post ni Andrew.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Andrew E pinatunayang ‘may forever’ sa misis na si Mylene Espiritu: Sa hirap at ginhawa ikaw ang kasama

Sey daw ni Kuya Germs kay Andrew E nang mag-audition sa That’s Entertainment: ‘OK, thank you! Next…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending