Andrew E, 3 dekada na sa showbiz pero walang nakaaway: Hindi n'yo kayang ubusin ang pasensya ko Bandera

Andrew E, 3 dekada na sa showbiz pero walang nakaaway: Hindi n’yo kayang ubusin ang pasensya ko

Reggee Bonoan |December 07,2021
share this

Andrew E, 3 dekada na sa showbiz pero walang nakaaway: Hindi n’yo kayang ubusin ang pasensya ko

Reggee Bonoan December 07, 2021 - 02:59 PM

Juliana Parizcova Segovia, Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E

MABUTI na lang at napanood namin ang panayam ni Dennis Padilla sa YouTube channel ni Aiko Melendez.

Isa sa mga napag-usapan kasi nila ay ang tungkol sa pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie (O Sige)” na mapapanood na sa Dec. 31 sa Vivamax mula sa Viva Films at idinirek ni Al Tantay.

Hindi kasi nakadalo si Dennis sa virtual mediacon ng pelikula nila nina Andrew E, Juliana Parizcova Segovia at Janno Gibbs nitong Lunes ng gabi pero ang nakakatuwa lahat ng pinag-usapan ay nasabi na lahat ng komedyante sa panayam niya kay Aiko.

Sa kuwento ni Dennis ay sila ni Janno ang masasabing sanggano at sanggago pero nag-mellow na raw sila kasi nga may mga edad na, hindi katulad noong kabataan nila. At si Andrew daw ang sanggwapo at pinakamatino sa kanilang tatlo dahil walang bisyo, walang babae at higit sa lahat, generous.

Ang tanong sa mediacon ng pelikula ay kailan sila naging sanggano para ipagtanggol ang sarili

Ayon kay Andrew ay maling tanong ang napunta sa kanya kasi nga never naman talaga siyang naging sanggano at sanggago.

“Thank you for that question but I think right question for the wrong person like me. Kasi unang-una in three decades being a movie actor or being a rapper napatunayan ko na po sa aking sarili na ang akin pong pag-aartista, ang aking pasensya ay mula dito hanggang sa buwan.

“Kahit sinuman hindi ninyo kayang ubusin ang pasensya ko po, so, kunyari may mabalitaan kayong nag-ano (pasaway) ako sa movies, sa concerts wala po kayong mababalitaan gano’n kaya for me po, at least nasabi ko sa sarili ko na my patience is very, very wild and long,” pahayag ng aktor-rapper.


Napuri naman talaga ni Janno ang kaibigang si Andrew, “Si Andrew is one of the nicest people in show business. Walang bad bone. Ako na siguro ‘yung pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis.

“Kung kailan ako naging sanggano? Lately lang. Magbasa lang kayo, magbasa lang kayo, may inaway ako. Basahin niyo lang,” aniya pa.

Ang tinutukoy ni Janno ay ang komedyanang si Kitkat Favia na recently ay may palitan na naman sila ng maanghang na salita mula noong pareho silang nawala sa noontime show na “Happy Time” sa NET 25.

Sabi naman ni Juliana, “Ako, recently lang (sabay tawa) kasi tao lang din naman, may limitasyon ang pasensya, may hangganan ang pang-unawa, hindi naman lahat puwede mo na lang balewalain lalo na kapag alam mong masyado nang below the belt.

“Lumalagpas sa linya kaya minsan kailangan o rin silang pitikin.  Kailangan ipaalam mo rin sa kanila na ‘uy nasasaktan ako,” sabi ng komedyante.

Samantala, ang pagkakaiba raw nitong part 2 ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo Aussie!  Aussie (O Sige)” ay mas bulgar ang mga salita at mas naughty sila sa lahat ng bagay.

Makakasama nina Andrew, Janno at Dennis sa movie sina Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, Angela Morena at Pepe Hererra.

Andrew E game na game pa ring makipaghalikan sa pelikula, jackpot sa 2 seksing leading lady

Andrew E, 2 beses sumailalim sa robotic surgery: Thank God, nalampasan ko!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending