Maris Racal pinagtawanan ng netizens dahil sa hindi pantay na bangs: 'I look like a pencil, pero okay na 'ko ngayon medyo tumubo na siya' | Bandera

Maris Racal pinagtawanan ng netizens dahil sa hindi pantay na bangs: ‘I look like a pencil, pero okay na ‘ko ngayon medyo tumubo na siya’

Ervin Santiago - September 26, 2023 - 07:12 AM

Maris Racal pinagtawanan ng netizens dahil sa hindi pantay na bangs: 'I look like a pencil, pero okay na 'ko ngayon medyo tumubo na siya'

Maris Racal

TAWANG-TAWA kami sa bagong paandar ng Kapamilya actress na si Maris Racal tungkol sa bago at nakakaloka niyang hairstyle.

In fairness, hindi lang mga social media followers niya ang naaliw at napa-comment sa kanyang video na viral na ngayon kundi maging ang mga kapwa niya celebrities.

Ipinakita ni Maris sa madlang pipol ang bagong style ng buhok niya kung saan makikitang hindi pantay ang pagkakagupit sa kanyang bangs.

“I look like a pencil. Pero okay na ako ngayon medyo tumubo na siya,” ang inilagay niyang caption sa kanyang X (dating Twitter) post.

Makikita sa video si Maris na nagpapahid ng kanyang luha habang nagta-type sa keyboard ng kanyang laptop at inaayos ang hindi pantay na bangs.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay meron ng 3.4 million views sa X ang nasabing video habang pinusuan na ito ng mahigit 70,000 netizens.

Baka Bet Mo: Maris Racal ayaw sa ‘second chance’, may tips para maka-move on sa dating dyowa

Binigyan naman niya ng warning ang lahay ng kanyang followers na nagbabalak gupitan ang kanilang buhok dahil maraming pwedeng mangyari sa isang maling galaw lamang.

“Basta mag ingat nalang kayo sa pag gupit ng micro bangs topper/wig,” paalala ng aktres at singer.

Narito ang ilang reactions sa viral video ng dalaga.

“HAHAHAHA ICONIC,” komento ni Darren Espanto.

“HAHAHHAHAHAHAHAHHA ALAM KO STORY NIYAN,” hirit naman ni Chie Filomeno.

“Hahahahaha! Shettt!” reaksyon ni Julie Anne San Jose.

“Ha ha ha. I remember me during my elementary days (late 60’s). Ako ang cut ng bangs ko kaya hindi pantay.”

“Mars bat naman 1/4 lang bangs mo.”

“Nagbibigay sya ng  online review sa salon na gumupit ng bangs nya.”

“Shutacca ate gurl! Akala ko naman acting actingan tapos nagpapauso ka ng bagong bangs cut! iniiyakan mo pala yung pagkagupit ng bangs mo sis! aha haha.”

“Maris Racal really redid her popular meme, but with micro bangs this time, haha! Love it!”

“Oh noooo.. No joke !! Did you really did these yourself!!!! Sorry dear I though your only acting!!”

Maris umaming maligaya sa piling ni Rico: I think it is very obvious…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Birthday hirit ni Rico Blanco para kay Maris Racal: More adventures, more dates, more memories with you…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending