Kakai ni-real talk ang nagpayong humanap ng dyowa sa Europe: 'Sorry pero kadirs! My LIFE, My RULES, My ROMANCE, my TIME!' | Bandera

Kakai ni-real talk ang nagpayong humanap ng dyowa sa Europe: ‘Sorry pero kadirs! My LIFE, My RULES, My ROMANCE, my TIME!’

Ervin Santiago |September 26,2023
facebook
share this

Kakai ni-real talk ang nagpayong humanap ng dyowa sa Europe: ‘Sorry pero kadirs! My LIFE, My RULES, My ROMANCE, my TIME!’

Ervin Santiago - September 26, 2023 - 07:10 AM

Kakai Bautista ni-real talk ang nagpapayong humanap ng dyowa sa Europe: 'Sorry pero kadirs! My LIFE, My RULES, My ROMANCE, my TIME!'

Kakai Bautista

SINAGOT ng Kapuso comedienne na si Kakai Bautista ang mga taong nagpapayo sa kanya na humanap ng pwede niyang dyowain habang nagbabakasyon sa Europe.

Sey ng komedyana, maraming nagsasabi sa kanya na kering-keri niyang makabingwit ng boyfriend sa Europe dahil sa taglay niyang exotic beauty.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Kakai ng ilang litrato niya habang rumarampa sa ilang magagandang lugar sa London, United Kingdom.

Aniya sa caption, “Everytime I do my Euro trip, lagi sinasabe sa akin ng ibang tao (lalo na yung di ko naman ka-kilala at ka-close) ‘hanap ka dun ng jowa, asawa!’ ‘Makabingwit ka sana ng lalaki dun!’

“REAL TALK? Sorry pero kadirs. Juskow.
My LIFE, My RULES. My ROMANCE, MY TIME!” ang matapang na pahayag ni Kakai.

“To learn and to savour every bit of their beautiful culture. To just be amazed and be purely awed by diversities and intricacies!

“THAT’s the purpose of my TRAVELS. Hindi ko susundin kung anong gusto ng soceity para sa akin. AKO ANG MASUSUNOD!

“Masusunod ang plan ko na MAG-ENJOY lang at KUMALMA. I-ENJOY ang pinaghirapan kong kitain, HINDI KO HININGI kahit kanino. I-ENJOY lang ang AKO,” ang punto pa ng komedyana at magaling na singer.

Hirit pang pahayag ni Kakai, “Oo ang daming lalake dun na nakaka-appreciate sa Pagkatao ko. Nag Enjoy ako! Pero mas nag-enjoy SILA sa GANDA ko. CHAREEEEENG!!”

Baka Bet Mo: Aga, Charlene absent sa kasal nina Maja at Rambo bilang ninong at ninang, um-attend sa graduation ng anak sa Europe

Sandamakmak na reaksyon naman ang natanggap ni Kakai sa kanyang IG post. Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comments section.

“Ganyan nga ishorts mo sila mamiiiii. Tara hanap tayo afam. Charizzz!” hirit ng kaibigan niyang si MJ Lastimosa.

Sabi naman ng isa pang IG user, “This mindset. ‘My romance, my time’ pinaka fave ko. Mas masarap eenjoy muna yung time na pwede na mag indulge paminsan-minsan sa buhay na di natin nagawa at nayakap ng maigi kakakayod. Love you po.”

“Slay!! I love the mindset, the ‘My romance, My time!’, and the outfit!!! You go girl!!” sey ng isa pang netizen.

“Wow.. angas!!! love the outfit… be yourself enjoy every moment. slay the best version of yourself,” comment ng isa pang IG follower ni Kakai.

“You dont need to find them @ilovekaye. You have so much to offer, you are beautiful, witty and full of talent… they will find you,” sabi ng isa pang fan ng komedyana.

OOTD ni Xian Gaza patungong Europe umabot daw sa halagang P596,000; inokray-okray sina Andrea at Ricci

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coleen mas pinili muna ang pagbabalik-showbiz kesa sundan si Billy sa Europe: ‘Ngayon lang din ako nagkaroon ng time for myself’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending