Liza gustong isali ni Renee Salud sa Beauty Pageant: Exotic, Mestiza pero pinay na pinay! | Bandera

Liza gustong isali ni Renee Salud sa Beauty Pageant: Exotic, Mestiza pero pinay na pinay!

Reggee Bonoan - July 18, 2015 - 02:00 AM

liza soberano

MATAGAL na naming naririnig o nababasa na inuudyukan ang young actress na si Janine Gutierrez na sumali sa beauty contest, sayang daw kasi ang kanyang ganda, height at kaseksihan.

At bilang project director ng Mutya ng Pilipinas at may mata kung sino ang may potential sa mga beauty pageant ay hiningan ng komento si Mama Renee Salud tungkol sa anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

“Well napansin ko siya, pero ang nag-struck talaga sa akin si (Liza) Soberano. Iba ang mukha niya from the rest,” diretsong sagot ng kilalang fashion designer.

Nabanggit din si Wynwyn Marquez (pamangkin ni Melanie Marquez) na sumali sa nakaraang Binibining Pilipinas 2015 pero hindi pinalad na manalo.

Ang pahayag ni Mama Renee, “Sincerely, hindi ko nakilala si Wynwyn, of course iba si Melanie, naglalakad pa lang, kita mo, stand out talaga. Dala-dala ko ‘yan sa ibang bansa,

I did a lot of fashion shows all over the world, kitang-kita mo talagang iba. Kaya enjoy na enjoy sa kanya si Mrs. (Imelda) Marcos.

“Maski sa picture si Wynwyn, hindi ko nakitaan sa kanya ‘yung tulad ni Melanie. Napanood ko rin ‘yung contest, wala (sinabi si Wynwyn) pag isinama mo sa na lahat, maliit kasi.

“Mag-artista na lang siya, huwag na siyang sumali, magsayaw na lang siya, doon siya magaling sa dance, ‘yun ang talent niya,” sabi pa ni mama Renee.

Mas lalo pa kaming naaliw nang humirit sina katotong Rohn Romulo at Rose Garcia na magaling mag-kontrabida si Wynwyn, “Ah talaga? Magkontrabida na lang siya,” sagot ng designer.

Dagdag pa nito, “Ako kapag may lumalapit at nakita kong wala, sinasabihan kong mag-aral na lang sila, kasi why give them false hope? Kapag nakitaan ko naman ng potential, inire-recommend ko agad, ganu’n kasimple.”

Ano naman ang nakita niyang espesyal kay Liza Soberano? “Hindi ko na masyadong kilala ngayon ang mga batang artista, pero ngayon, ang gusto ko si Soberano, kasi matangkad, hindi na siya molded na artista na tinurukan sa mukha, exotic, mestiza pero kita mo pa rin ‘yung pagka-Filipina.”

Hindi rin pabor si mama Renee sa mga artistang sumasali sa mga beauty contest dahil malaki ang nagiging epekto nito sa kanilang acting career tulad ng nangyari kay Wynwyn na hindi pa man gaanong sumisikat ay natalo pa sa Binibining Pilipinas.

Mas maganda pa raw noong araw na sumasali muna sa beauty contest bago nagi-ging artista kaya mabilis ang kanilang pagsikat tulad nina Gloria Diaz, Melanie Marquez, Charlene Gonzales-Muhlach, Alice Dixson, Lara Quigaman, Ruffa Gutierrez, Miriam Quiambao, Pilar Pilapil at marami pang iba.

Kung may pagkakataon daw ay puwede niyang i-convince si Liza na sumali sa mga pageant pagdating ng araw.

At dahil pawang magagandang babae at puro pang-international beauties ang nahahawakan niya ay nag-shift na siya ng ibang pakontes, ang Carinderia Queen.

Ginanap ang contract signing sa pagitan ng organizer na si Ms. Linda Legaspi ng Marylindbert International Inc., Mr. William Go (managing director Atrium Hotel), Mr. Cesar Canabal (Sector head), Ms. Rhea A. Bombita (Hotel Manager), Desiree Verdadero (1984 3rd runner-up Miss Universe) at Renee Salud (project director).

Sabi ng kilalang designer, “Pangmasa kasi itong Carinderia Queen, may puso saka masyado na tayong maraming magaganda, so dito naman tayo.

“Nu’ng una, ang involvement ko, isa lang akong speaker, tumutulong lang sa personality development, tapos the following year, naging pakontes na, maliit na lumaki at ngayon, televise na.

Siyempre pag may ganitong beauty contests na tema, lagi naman nila akong naalala kaya tinanggap ko,” aniya.

Sa Carinderia Queen ay walang height requirement pero may age limit na 18-40, at kailangan magaling kang magluto at magsalita para ipagtanggol ang karinderya business.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya gusto naming bigyan ng pansin kasi ang focus ngayon ay more on chefs, etcetera, paano naman itong pang-masa na may mga kakayahan na hindi nabibigyan ng attention? So, let’s focus on this people,” ani mama Renee.

Ginaganap na ang nationwide audition para sa Carinderia Queen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending