Donny personal request si Baron para mapasama sa e-sports movie na ‘GG (Good Game)’: ‘He’s very different, very bubbly, very charismatic’
IBANG-IBANG Baron Geisler ang mapapanood sa kauna-unahang e-sports movie na “GG (Good Game)” na pinagbibidahan ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan.
Yan ang siniguro ng magaling na aktor sa naganap na presscon ng pelikula nitong nagdaang Huwebes, September 21, nang matanong kung paano siya napasama sa nabanggit na proyekto na balak ilaban sa Metro Manila Film Festival 2023 sa December.
Sabi ni Baron, personal siyang kinausap ng mga producer ng Mediaworks para gumanap bilang coach sa pelikula. Agad daw niyang tinanggap ang offer nang mabasa ang buong script.
View this post on Instagram
Ayon naman kay Donny siya raw talaga ang humiling na kunin si Baron sa “GG” dahil feeling niya perfect ang aktor sa role bilang coach ng mga e-gamers.
“Ako ang nag-request kay Baron. Ako ang nagsabi, ‘Guys, puwede ba si Coach Chris, si Baron, kasi napanood ko yung works niya.’
“Sabi ko, parang first time niya, if i-accept niya ito na makakagawa siya ng role na very different from his previous roles like he mentioned.
Baka Bet Mo: Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling
“And I would say, you (Baron) are probably one of my favorite characters in this movie. I’m so excited for you guys to see this version of Baron. Very different, very bubbly, very charismatic,” aniya pa.
Pagbabahagi naman ni Baron sa pagkuha sa kanya sa “GG”, “Kinontak po ako ng Mediaworks, nagpapasalamat po ako sa mga bosses natin. Sabi nila, ‘This is tailor-made for you, Baron, it’s a quirky character.’
“Nu’ng sinabi sa akin na quirky tapos ipinakita sa akin yung sketch ng character, sabi ko, ‘Wow, I wanna do something na first time.’
“Maiba naman sa pananakit ng tao, sa pagiging kontrabida. I wanna do it especially with my fellow brothers and sisters in Christ.
“So, aside from just shooting this film, ang dami ko rin natutunan kay Miss Maricel and kay Boss Anthony. Sila ang nag-guide sa akin throughout the film and outside pa, hanggang ngayon so I’m eternally grateful,” pahayag ni Baron.
View this post on Instagram
“Parang family sa set and also, si Donny, nakikita ko siya as parang love team. Dun siya magaling.
“Pero dito, nagulat ako na ang galing niyang lider sa set, as a producer. Not only as a producer but also as an actor. Sobrang prepared. Alam niya yung lines niya. May mga dramatic scene kami and when I look at his eyes, may karga. Nadadala ako and great actor,” papuri pa niya kay Donny.
In fairness, hindi lang si Donny ang pumuri nang bonggang-bongga kay Baron kundi pati na rin ang parents ng binata na sina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa na bahagi rin ng Mediaworks.
Sey ni Anthony, “Du’n po namin nakita yung katauhan ni Baron na hindi nakikita ng iba. Inspite of the different challenges, struggle we had, this guy was a hundred percent in the film, during shooting but also outside.”
Kasama rin sa “GG (Good Game)” sina Igi Boy Flores, Gold Aceron, Boots Anson Rodrigo, Ronaldo Valdez at marami pang iba, mula sa direksyon ni Prime Cruz.
Ano ang kantang nagdudulot ng panic attacks kay Agot Isidro?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.