Donny Pangilinan pinakilig ang mga fans nang rumatsada sa Divisoria: 'Ang gwapo namang kargador niyan!' | Bandera

Donny Pangilinan pinakilig ang mga fans nang rumatsada sa Divisoria: ‘Ang gwapo namang kargador niyan!’

Ervin Santiago |August 09,2023
facebook
share this

Donny Pangilinan pinakilig ang mga fans nang rumatsada sa Divisoria: ‘Ang gwapo namang kargador niyan!’

Ervin Santiago - August 09, 2023 - 07:00 AM

Donny Pangilinan pinakilig ang mga fans nang rumatsada sa Divisoria: 'Ang gwapo namang kargador niyan!'

Donny Pangilinan sa taping ng ‘Can’t Buy Me Love’

MARAMING DonBelle fans ang nanghinayang nang hindi sila nakasugod sa Divisoria kung saan nag-taping si Donny Pangilinan para sa kauna-unahang teleserye nila ni Belle Mariano, ang “Can’t Buy Me Love.”

Sandamakmak na netizens ang nag-react sa BTS o behind-the-scenes ng upcoming primetime series ng ABS-CBN kung saan makikita nga si Donny na nakasalang sa isang eksena sa kalye ng Divisoria.

Sa Facebook page ng Star Creatives, ang producer ng “Can’t Buy Me Love”, bumandera ang mga litrato ni Donny bilang isang kargador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv)


Sa nasabing eksena, nagmamaneho ang binata ng malaking bisikleta na ginagamit sa paghakot ng mga paninda.

“Another day, another CBML (Can’t Buy Me Love) ayuda para sa mga beshy ko!” ang caption na nakalagay sa nasabing post.

Sa isang litrato ay makikita ang napakaraming taong nanonood sa taping na talagang nagtiis din sa initan habang kinukunan ang eksena ng binata sa Divisoria.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi malakas ang loob lumandi sa Europe, nakita na ang ‘future’ asawa

Marami ring nag-post na DonBelle fans sa social media ng ilang litrato ni Donny na pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens. Narito ang ilang comments ng netizens sa mga viral photos ni Donny.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


“Grabe naman mga braso na ‘yan, Bingo!”

“Gwapo naman ng delivery boy magpapadelivery din ako ng mga paninda.”

“Shet ang pogi mo kaninaaaaaaaa hindi ko eneexpect na makikita kita”

“Ang guwapo namang kargador nito…”

“Paki-karga rin ako, Donatooooo!!!!”

“Hello Bingo! Napakagwapo naman talaga ni Donny Pangilinan #CantBuyMeLove.”

“Yan na! This making me more excited, finally a new serye that gives light but kilig story. Yong nakangit ka lang at di gaanong mabigat sa dibdib. Yong tipong bago ka matulog nakangiti ka lang dahil sa kilig.”

“Bakit mukang ang Bango pa din ni bingo kahit pawisan na.”

“Bat Ang pogi parin ni bingo at Hindi maasim.. ito Yung kargador sa divi na Amoy baby cologne.”

“Pogi naman niyan. Kahit masagaasaan or ma traffic ako dahil sayo besshyy oks lang po.”

Payo ni Cristy Fermin kay Jinkee Pacquiao, magsimula nang mag-shopping sa Divisoria

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marc Pingris naging kargador at tindero sa palengke; unang sweldo sa PBA ipinambili ng bahay para sa nanay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending