Ano ang kantang nagdudulot ng panic attacks kay Agot Isidro?
MARAMI ang gumagaan ang pakiramdam sa tuwing naririnig ang kantang “Bubbly” ni Colbie Calliat ngunit iba and dulot nito sa aktres na si Agot Isidro.
Sa kanyang Instagram post noong December 7 ay ibinahagi niya ang epekto ng 2007 hit song na “Bubbly” sa kanya sa tuwing maririnig niya ito.
“For a decade, this song gave me panic attacks. It triggered memories of a very dark time in my life,” saad ni Agot.
Kuwento pa niya, may mga pagkakataon pa raw na tumatakbo siya palabas ng isang shoe store habang naluluha.
“At one point, I ran, in tears, out of a show store in an outlet mall in California when I heard this song play.
“And that’s Disneyland for a lot of women. Every time I hear the intro, I would skip or change station or simply walk out of the establishment,” pag-alala ni Agot.
Ngunit noong December 7, habang nagmamaneho siya ay bigla na lamang pumailanlang ang kanta at sa kauna-unahang pagkakataon ay hinayaan niya lang ito.
“Didn’t hear [the song] for so long. So I said, ‘Sige nga’.
“Nothing. I was even singing along. So yes, BREAKTHROUGH!” masayang sabi niya.
View this post on Instagram
Proud na proud si Agot sa kanyang sarili dahil unti-unti ay napaglalabanan na niya at nalalagpasan na niya ang madidilim na alaala ng kanyang buhay.
“So proud of myself and where I am. Long journey, but we get there.
Paalala pa niya sa kanyang mga followers, ang pinakapoint naman daw ng kanyang istorya ay kung ano man ang pinagdaraanan mo sa buhay, darating rin ang panahon na magiging okay ka.
Marami naman sa mga netizens at mga kapwa artista abg pumuri at nagpakita ng suporta para sa kay Agot.
“I love this! Glad you’re in a much better place. Hugs!” saad ni Iza Calzado na isa ring mental health advocate.
Hindi naman itinatago ni Agot ang kanyang mga pinagdaraanan. Sa katunayan, sa kanyang interview sa Inquirer.net, inamin niya na nagpapakunsulta siya sa isang psychiatrist.
“It’s just like seeing your ENT (ear, nose, throat) doctor or cardiologist.
“One shouldn’t be ashamed to admit that one needs help.”
Related Chika:
Agot rumesbak sa mga troll na tumawag sa kanya ng ‘abnormal’, ‘haba baba’, ‘inggitera’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.