Mylene, Agot sa magulang na itinuturing na ‘investment’ ang mga anak: That’s wrong, super wrong! | Bandera

Mylene, Agot sa magulang na itinuturing na ‘investment’ ang mga anak: That’s wrong, super wrong!

Pauline del Rosario - December 29, 2022 - 05:40 PM
Mylene, Agot sa magulang na itinuturing na ‘investment’ ang mga anak: That’s wrong, super wrong!

DAPAT bang ituring bilang “investments” ang mga anak?

‘Yan ang isa sa mga naging topic sa isinagawang media conference kamakailan lang ng Metro Manila Film Festival entry na “Family Matters.”

Sabi ng aktres na si Mylene Dizon, responsibilidad talaga ng mga anak na alagaan ang mga magulang dahil mahal nila ito.

Ngunit ibang usapan na raw kung binibilang na ng magulang ang utang na loob ng mga anak sa kanila.

“We have an obligation to take care of our parents because they’re our parents. It’s something we do out of love or want. But when we treat children as investment for our future, then that’s wrong—super wrong. That’s not their responsibility,” sey ni Mylene.

“Hindi ako maniningil. I won’t’ say, ‘Hey, I raised you—these are all the things that you have to pay back,’” dagdag pa ng aktres na may dalawang anak sa asawang si Jason Webb.

“They can either take care of me, or pay it forward by taking care of their own families or other people,” aniya.

Para naman sa aktres na si Agot Isidro, sinabi niyang wala siyang anak pero malapit na malapit siya sa kanyang pamilya.

“I don’t have kids, so I have to be independent… But I’m big on taking care of my family—my siblings, nephews and nieces—now that our parents are no longer with us. But I do that without expecting anything in return. I don’t think that way,” sabi niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by familymattersmovie (@familymattersmovie)

Tampok sa pelikulang “Family Matters” sina Noel Trinidad, Liza Lorena, Agot Isidro, Nikki Valdez, Nonie Buencamino at JC Santos.

Mapapanood sa pelikula ang pagkakaroon ng buhay-pamilya na kung saan ay iikot ito sa mag-asawang senior citizen at sa apat nilang anak.

Sa katatapos lang na “Gabi ng Parangal” ng MMFF ay naiuwi ng pelikula ang “GatPuno Antonio J. Villegas Cultural Award.”

Related chika:

Agot, Nikki naglabas ng saloobin sa pang-iisnab ng MMFF 2022 jurors sa ‘Family Matters’, pero feeling winner pa rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Family Matters’ nina Liza Lorena at Noel Trinidad hindi nag-matter sa mga juror ng MMFF 2022, paki-explain po…’

‘Family Matters’ pinaiyak ang showbiz press: Pero uuwi kayong masaya at punumpuno ng pag-asa sa inyong pamilya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending