Mylene ibinandera ang ‘topless’ video nina Piolo, Kyle

Mylene ibinandera ang ‘topless’ video nina Piolo, Kyle: ‘OMG, wait lang!’’

Pauline del Rosario |March 17,2024
facebook
share this

Mylene ibinandera ang ‘topless’ video nina Piolo, Kyle: ‘OMG, wait lang!’’

Pauline del Rosario - March 17, 2024 - 09:10 AM

Mylene ibinandera ang ‘topless’ video nina Piolo, Kyle: ‘OMG, wait lang!’’

PHOTO: Instagram/@msmylenedizon

MUKHANG marami ang nabuhayan at talaga namang natuwa sa latest social media post ng batikang aktres ni Mylene Dizon.

Paano ba naman kasi, ibinandera niya ang topless video ng heartthrob actors na sina Piolo Pascual at Kyle Echarri!

Caption pa nga riyan ni Mylene sa Instagram, “Lorde, bakit nila ako ginugulat???”

Mapapanood sa video ang kwelang reaction ng aktres habang nag-aantay sa labas ng pintuan niya ang dalawang aktor.

“Ano ba ang kailangan niyo sakin? Bakit niyo ako ginaganito?” sey niya.

Baka Bet Mo: Mylene walang special treatment sa pamilya kahit artista: Lagi pa rin akong inuutusan at binu-bully, hindi naman sila nagbago…

Sagot ni Kyle, “Ikaw.”

“Ako ang kailangan ninyo?” tugon ni Mylene

Sambit pa ni Piolo sa kanya, “We need you.”

Ani naman ng veteran actress, “Oh my God! Wait lang.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mylene Dizon (@missmylenedizon)

May kwelang komento sa post ang comedienne-actress na si Candy Pangilinan.

Wika niya, “San po yan? Samahan kita.”

Makikita rin na tila pinagkaguluhan ng maraming netizens ang video.

Heto ang mga nabasa namin na talaga namang nakaka-good vibes at laughtrip:

“Dumating na pala ang mga parcel ko [laughing emoji]”

“Baka gusto niyo po ng kasama? [laughing emojis]”

“Ms. Mylene, swap po tayo hahahaha. I need them at my doorstep. Haha”

“Pakisabi po, sakin nalang sila kumatok. Welcome po sila, lalo na si Papa P [zany face emoji]”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“[laughing emojis] Mapapalunok ka na lang.”

“Ay ang saya ng mga gantong surprises [laughing emoji]”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending