Mylene walang special treatment sa pamilya kahit artista: Lagi pa rin akong inuutusan at binu-bully, hindi naman sila nagbago…
KAPAG artista ba ay may special treatment mula sa pamilya o mga kaanak? Ito ang isa sa mga tanong sa nakaraang “Family Matters” mediacon nitong December 7 na ginanap sa La Breza Hotel sa Quezon City.
Walang naramdamang ganito ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez, “Pag nasa bahay ako, si Nikki ako na anak, kapatid, nanay at asawa. Walang special treatment (during Ang TV days).
“Siyempre kapag pagod ako (from taping at shooting), ‘yung mommy ko sasabihin kay Olivia (anak niya) huwag mo munang gisingin ang mommy mo kasi she’s sleeping. Pero at home naglilinis ako ng banyo, nagtatapon ako ng basura, naghuhugas ako ng pinggan,” aniya pa.
Kapag may family reunion, “Automatic ‘yun sasabihin nila, ‘baka puwede kang kumanta?’ Kasi kahit nu’ng wala pa ako sa showbiz, ‘yun talaga ‘yung role ko, ako ‘yung taga-kanta kapag may special occasions, pero hanggang ngayon walang special treatment.”
Pagbabahagi naman ni Mylene, “Ako hindi ako pinapakanta. Ha-hahaha! Lalo na ‘yung pamilya ko nasa ibang bansa hindi naman talaga nila nakikita na artista ako.
“When I go to my family in the States hindi ako artista naman lalo’t bunso (ako) na laging inuutusan, laging binu-bully hindi naman sila nagbago, ganu’n pa rin sila sa akin. Ha-hahaha!” sabi pa ni niya.
Pagdating naman sa decision making ay hindi naman siya gaanong nagbibigay ng opinyon dahil bilang bunso ay mas marami pang mauunang magbigay kaysa sa kanya.
Samantala, hindi rin daw nakatikim ng special treatment si Agot Isidro, “Wala, walang special treatment pero ‘yung mga desisyon merong ako ‘yung nagde-desisyon kasi kung baga ito ‘yung expert ko, tapos ‘yung kapatid ko meron din, so may kanya-kanya kami pero ‘yung special wala.
“Kapag family gatherings naman nagpa-flock sila sa akin like, ‘totoo ba ‘yung ganito mga nagma-Marites mga ganu’n. Sasabihin ko lang wala akong alam o hindi ko alam,’” nakangiting kuwento ni Agot.
Sabi naman ni JC Santos, “Ngayon with my family, my wife and daughter, actually wala. Ako pa rin pinagtatapon ng basura sa labas. Wala kaming ganu’n sa family. Sa relatives mas nasusungitan sila sa akin, eh.”
Pahayag naman ni Ian Pangilinan, “Sobrang nakakatawa kasi di ba may mga stage mom, ako kapag may mga nauunang lumalabas (news) mas nauuna pa siyang nakakaalam kaysa ako. (Sasabihin ng mama) ‘lumabas na ‘yung interview mo sa ganyan.
“At the end of the day siya (mama) na ang nagba-brag about me kasi sobrang introvert ko kasing tao. Walang special treatment sa bahay, pantay-pantay naghuhugas pa rin ako ng plato,” sabi pa ng aktor.
Sagot namam ni James Blanco, “Hindi naman special treatment. Medyo may pagka strict na kuya kasi ako ‘yung kuya ko kasi napaka-tahimik, e, ako ‘yung vocal sa family namin, so, ako ‘yung medyo pinakikinggan, parang ako ‘yung pinaka-kuya kaya ako ‘yung pinagkikinggan ng magkakapatid even ng mother ko.”
Reyalidad ang kuwento ng “Family Matters” kaya maraming nakaka-relate at hinuhulaang marami itong makukuhang awards sa MMFF awards night.
Bukod sa mga nabanggit na artista ay kasama rin sa pelikula sina Noel Trinidad at Liza Lorena bilang magulang at hindi naman nakadalo sa mediacon sina Ana Luna, Ina Feleo, Roxanne Guinoo at Ketchup Eusebio.
Ang “Family Matters” ay sa direksyon ni Nuel Naval, sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario, mula da Cineko Productions ay official entry sa Metro Manila Film Festival 2022. Showing na ito sa December 25.
Related chika:
Mylene Dizon galit na galit pa rin sa pagpapasara sa ABS-CBN: I’m still naiinis about it
Bagong gamot na itinurok kay Kris epektib: Kinaya ko the full dose!
Quarantine exemption ni Gerald kinuwestiyon; binigyan nga ba ng special treatment?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.