Quarantine exemption ni Gerald kinuwestiyon; binigyan nga ba ng special treatment?
MARAMI ang naimbyerna sa tila double standard na ganap ng mga otoridad sa Dipolog City matapos bigyan ng special treatment ang aktor na si Gerald Anderson nang pumunta ito roon para sa shooting ng pelikula.
Naglabasan rin ang mga litrato ng aktor na nasa labas at walang suot-suot na facemask. Marami ang nabwisit at dinala na sa social media ang mga hinaing.
Tanong ng netizens, bakit hindi sumailalim sa 14-day quarantine ang grupo nila Gerald gayong isa ito sa mga requirement lalo na’t galing ang aktor sa Metro Manila.
Naglabas rin si Zamboanga del Norte Gov. Robert Uy ng executive order noong Agosto 14 na lahat ng papasok sa kanilang lugar, bakunado man o hindi ay kinakailangang sumailalim sa 14-day quarantine kaya nanggigil ang iba dahil hindi nag-comply ang aktor at ang grupo nito at tila hindi pa sumusunod sa pagsusuot ng face mask gayong talamak ang kaso ng COVID-19.
“Para walay kwarantin, pag artista na lang [Mag-artista na lang para hindi mag-quarantine],” saad ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, panay ang sita at abiso sa kanila na magsuot ng face mask samantalang ang aktor ay malayang lumabas na walang face mask.
Ayon naman kay Atty. Arvin Bonbon, Head of Dipolog task force’s Incident Command System, exempted ang aktor at grupo nito sa quarantine protocol dahil nakapag-comply ang mga ito sa requirements.
Nakipag-coordinate rin daw ang production te sa ICS at nakapagpresent ng mga kinakailangang dokumento tulad ng negative test results, travel order, at itinerary.
Bagamat sinabi ni Atty. Arvin na may mga nahuli sa production team na walang face mask na pinagmulta, hindi naman nito kinumpirma kung isa si Gerald sa mga tinutukoy nito.
Nanatili sa Dipolog City ang aktor af kasamahan nito mula Agosto 26-30 para sa shooting ng upcoming movie nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.