Mylene ayaw mag-asawa: I'm not a person who wants a husband

Mylene ayaw nang mag-asawa: I’m not a person who wants a husband

Ervin Santiago - July 10, 2024 - 08:10 AM

Mylene ayaw nang mag-asawa: I'm not a person who wants a husband

Mylene Dizon

“I AM a very, very strict mother.” Iyan ang pahayag ng seasoned actress na si Mylene Dizon patungkol sa kanyang mga anak.

May dalawang anak si Mylene – ang 19-years-old na si Tomas at ang 15 anyos na ngayong si Lucas.

Baka Bet Mo: Mylene ibinandera ang ‘topless’ video nina Piolo, Kyle: ‘OMG, wait lang!’’

Knows n’yo ba na may mga ipinatutupad na rules and regulations ang aktres sa kanilang tahanan na talagang sinusunod naman g kanyang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mylene Dizon (@missmylenedizon)


“May curfew sila, may oras lang ng paggamit sana ng gadget as much as possible,” pahayag ni Mylene sa panayam ng “Tao Po.”

“I want them to always do their best. I am, hangga’t minor sila or nakatira sila sa poder ko, gusto ko rules ko ang masusunod.

“Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko pinapakinggan ang mga anak ko. Gusto nila kalabanin ‘yung rules ko, pinapakinggan ko rin ‘yun and I also encourage it,” pahayag pa ni Mylene.

Single parent din si Mylene at very proud siyang sabihin na solo niyang pinalaki sina Tomas at Lucas, “I play both mommy tsaka daddy. ‘Yung roles na ‘yun I have to do both.

Baka Bet Mo: Vice Ganda miss na ng madlang pipol; Mylene masaya sa muling pagbabalik bilang Kapamilya

“I have to be strict and at the same time fun.  Naniniwala ako na ‘yun lang ang disiplina at mga pangaral ko lang ang maiiwan ko sa kanila. And bahala na sila kung ako gusto nila gawin doon,” paliwanag ng premyadong aktres.

Diretsahan ding sinabi ni Mylene na wala na sa priority niya ang pag-aasawa, “I am not a person who wants a husband. Hindi siya priority sa akin katulad ng iba.  I don’t want to be dependent on anybody.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mylene Dizon (@missmylenedizon)


Samantala, napapanood ngayon si Mylene sa Kapamilya series na “Pamilya Sagrado” bilang si Mercedes Sagrado, ang asawa ni Gob. Raphael Sagrado played by Piolo Pascual.

Kuwento ni Mylene about her character,  “Si Mercedes Sagrado is somewhat a trophy wife. Isa akong parang dating beauty queen who had ambition to be part of this family.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I was very ambitious and it wasn’t really a relationship that was born out of love to begin with,” pagbabahagi pa ni Mylene Dizon sa naturang panayam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending