'Family Matters' pinaiyak ang showbiz press: Pero uuwi kayong masaya at punumpuno ng pag-asa sa inyong pamilya... | Bandera

‘Family Matters’ pinaiyak ang showbiz press: Pero uuwi kayong masaya at punumpuno ng pag-asa sa inyong pamilya…

Ervin Santiago - December 28, 2022 - 12:25 PM

'Family Matters' pinaiyak ang showbiz press: Pero uuwi kayong masaya at punumpuno ng pag-asa sa inyong pamilya...

Ang cast members ng ‘Family Matters’ kasama ang direktor na si Nuel Naval

SHOOKT ang karamihan sa mga dumalo sa Gabi Ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na ginanap kahapon, December 27, sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Ikinagulat din namin ang pang-iisnab ng mga hurado sa pagpili ng nominees at winners para sa iba’t ibang acting categories sa festival ngayong taon.

Partikular ngang inirereklamo ng mga um-attend sa awards night ang pangmemenos ng mga judges sa  official entry ng Cineko Productions na “Family Matters” na idinirek ni Nuel Naval.

Tanging sina Noel Trinidad at Nonie Buencamino lamang ang na-nominate para sa best actor category na tinalo nga ni Ian Veneracion na bumida sa MMFF 2022 entry na “Nanahimik Ang Gabi.”

Hindi man lang na-consider sa pagka-best actress o best supporting actress ang female stars ng “Family Matters” tulad nina Liza Lorena, Nikki Valdez, Mylene Dizon at Agot Isidro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by familymattersmovie (@familymattersmovie)


Ang tanging napanalunan ng naturang pelikula ay ang Gatpuno Antonio J. Villegas Award.

Marami kasi ang nagsabi na sigurado silang hahakot ng tropeo ang “Family Matters” matapos nila itong mapanood sa mga sinehan. Inaasahan din nila na ito ang tatanghaling Best Picture sa taunang festival.

In fairness, napanood na rin namin ang “Family Matters” at nakapagtataka nga na wala man lang napanalunang major awards ang pelikula na talaga namang nagpaiyak sa amin at sa iba pang moviegoers.

Yes, at hindi lang kami ang napaiyak ng pelikula, halos lahat ng kasabayan naming members ng entertainment media ay ilang beses lumuha sa ilang makabagbag-damdaming eksena sa movie.

Napakagaling ng lahat ng cast members sa pelikula, lalo na sina Tito Noel, Ms. Liza, Nonie at Nikki na halos lahat ay naka-relate talaga sa kanyang role na tumandang dalaga dahil sa pag-aalaga niya sa mga magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by familymattersmovie (@familymattersmovie)


Napakaganda rin ng screenplay  production design at cinematography ng pelikula pero tila hindi ito nakita ng mga hurado ng festival ngayong taon.

Kung may isang pelikulang dapat panoorin ang bawat Filipino sa MMFF 2022, yan ay ang “Family Matters” dahil ito talaga ang kailangan ngayon ng bawat pamilyang Pinoy.

Mabigat sa dibdib ang ilang mga eksena sa “Family Matters” dahil nga tinatalakay dito ang ilang problema ng pamilya lalo na ang relasyon ng magkakapatid at mga tumatandang magulang pero babawi naman ito sa bandang ending.

Siguradong lalabas ka ng sinehan na mugto ang mga mata pero sure na sure rin kami na uuwi kayong masaya at punumpuno ng pag-asa sa inyong mga pamilya.

Showing pa rin sa mga sinehan ang “Family Matters” na balitang nasa ikatlong puwesto na sa ranking ng walong pelikulang kalahok sa MMFF 2022.

Noel Trinidad hirap na hirap nang makarinig; ilang beses ni-lips-to-lips si Liza Lorena sa presscon ng ‘Family Matters’

JC Santos naging pasaway din noon: Lumaki ako na maraming bad decisions at maraming pagkakamali

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Billy super happy sa paglaya ni Vhong: Pero legal matters na ito kaya hindi tayo puwedeng makisawsaw lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending