Nikki Valdez never napagod sa 25 years sa showbiz: Parang naghahanap ako ng ‘mas pa’ | Bandera

Nikki Valdez never napagod sa 25 years sa showbiz: Parang naghahanap ako ng ‘mas pa’

Ervin Santiago |October 18,2023
facebook
share this

Nikki Valdez never napagod sa 25 years sa showbiz: Parang naghahanap ako ng ‘mas pa’

Ervin Santiago - October 18, 2023 - 08:06 AM

Nikki Valdez never napagod sa 25 years sa showbiz: Parang naghahanap ako ng ‘mas pa’

Nikki Valdez

HINDI napagod o na-burnout ang Kapamilya star na si Nikki Valdez sa 25 years niyang pagtatrabaho sa showbiz bilang artista.

Iyan ang ibinahagi ni Nikki sa pakikipagchikahan niya sa nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano na mapapanood sa YouTube vlog nito.

Sa isang bahagi ng video, naitanong ni Marya kay Nikki kung dumating din ba sa punto na napagod na siya sa pag-aartista na tumatagal na rin ng mahigit dalawang dekada.

Sey ni Nikki, kahit kailan ay hindi siya nakaramdan ng pagkapagod, “Parang mas naghahanap ako ng ‘mas pa’.

Baka Bet Mo: Maine Mendoza napagod nang i-call out ang ‘delusional’ fans ng AlDub: I don’t think there’s something I can do

“Alam mo ‘yun, ‘yung feeling na bilang artista na ayaw mo mapako lang sa ganoon,” aniya.

In fairness, isa si Nikki sa mga character actress na hindi nawawalan ng trabaho, mapateleserye o pelikula. Palagi siyang napapanood sa mga proyekto ng ABS-CBN at Star Cinema.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Valdez Garcia (@nikkivaldez_)


Todo nga ang pasasalamat ni Nikki sa lahat ng blessings na natatanggap niya ngayon, kabilang na ang kauna-unahan niyang FAMAS best supporting award para sa pelikulang “Family Matters.”

“Actually, nandoon na siya sa cabinet,” ang masayang pagbabahagi ng aktres na nagsabing hindi talaga niya in-expect na mananalo siya.

Baka Bet Mo: Alden napagod din sa pressure ng sobrang kasikatan: ‘Wala na po akong identity, parang nasaan na ‘yung pagkatao ko?!’

Sey nga raw niya sa kanyang glam team habang inaayusan siya, “Pagandahan n’yo na lang ako para ‘kako kahit talo ako maganda akong dumating sa awards night.”

Bukod sa FAMAS, itinanghal din siya sa Gawad Pasado Awards bilang “PinakaPASADOng Katuwang na Aktres” para sa nasabi ring pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nominado rin si Nikki sa pagka-best supporting actress sa 6th The EDDYS Awards (Entertainment Editors Choice) para pa rin sa “Family Matters.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending