Alden napagod din sa pressure ng sobrang kasikatan: ‘Wala na po akong identity, parang nasaan na ‘yung pagkatao ko?!’
“NAKAKAPAGOD din pala!” Yan ang inamin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards patungkol sa mga naranasan niyang challenges sa mundo ng showbiz.
Diretsahang sinabi ng Kapuso TV host-actor na napagod din siya noon dahil sa matinding pressure ng pagiging isang sikat na celebrity.
Ayon kay Alden, umabot din siya sa puntong na-burnout na siya sa lahat ng demands na kakambal ng tinatamasang kasikatan bilang isa sa pinakamabentang male artist sa bansa.
Naibahagi ito ng binata sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7 kung saan naging emosyonal nga siya sa pagbabalik-tanaw sa ilang karanasan sa kanyang personal na buhay at career.
“’Pag celebrity ka, you always cater to what people want, especially sa lahat ng feedback sa ‘yo, pinakikinggan mo to appease them at para mabigay ‘yung gusto nila. At a certain point, nakakapagod din pala siya,” pahayag ni Alden.
At dahil nga sa tindi ng pressure na nararamdaman niya sa araw-araw na pagtatrabaho niya ay na-feel niya na parang nawalan na siya ng identity.
“Dumating din ako sa point when I was really burned out from all these demands and things that people want from me, wala na po akong identity,” lahad pa ni Alden.
“Parang, nasaan na ‘yung pagkatao ko? Lagi na lang ba akong susunod sa ibang tao, sa gusto ng mga tao na makita sa akin. Napagod lang po ako sa point na ‘yun,” sagot ni Alden.
Nabanggit ni Tito Boy ang naging matapang na pahayag ni Alden sa isang presscon na, “Nobody controls my life. Walang nagdidikta. I make my own choices, I make my own decisions.”
Ito’y matapos maungkat muli ang mga isyu tungkol sa AlDub, ang tambalan nila dati ni Maine Mendoza. Bakit nga ba niya nasabi ito?
“I just wanted to be firm. Hindi po ako galit when I said that. I just wanted to be firm with the current state of mind that I have,” paliwanag pa niya.
Angelica sa pagtatapos ng ‘huli’ niyang serye: Masaya, mahirap, nakakapagod, nakakabaliw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.