Sylvia pahinga muna sa showbiz: Napagod ako nang sobra | Bandera

Sylvia pahinga muna sa showbiz: Napagod ako nang sobra

Reggee Bonoan - October 27, 2021 - 02:58 PM

PANSAMANTALANG magpapahinga si Sylvia Sanchez pagkatapos drama series niyang "Huwag Kang Mangamba" dahil masyado siyang napagod.

Sylvia Sanchez

PANSAMANTALANG magpapahinga si Sylvia Sanchez pagkatapos drama series niyang “Huwag Kang Mangamba” dahil masyado siyang napagod.

Oo nga tanda namin noong nagkasakit silang mag-asawa ng COVID-19 noong Mayo 2020 at ilang linggo ring na-hospital ay sumabak na kaagad siya sa taping ng Nobyembre sa parehong taon.

Hindi pa nakakapagpahinga nang husto si Sylvia ay kailangan na niyang sumabak sa taping dahil ang ganda ng karakter niya bilang si Barang bagay na hindi niya mabitiwan ang script habang binabasa niya ito.

Sa katatapos na ng The Healing finale mediacon ng “Huwag Kang Mangamba” nitong Lunes ng gabi, Oktubre 25 via zoom ay ibinahagi ni Sylvia na grateful siya sa kanyang karakter.

“Actually tapos na kami mag-taping ng Huwag Kang Mangamba, so, naka-off na si Barang sa akin. Nagpapahinga ako. Talagang sobrang pahinga ngayon kasi sabi ko nga grateful ako sa role na Barang pero talagang nakakapagod siya sobra. After nito sinasabi ko nga, pahinga muna ako. Kasi sa sobrang pagod ko, sa sobrang na-drain talaga ako emotionally and physically kay Barang.

“Sa susunod na teleseryeng i-o-offer sa akin, parang feeling ko wala na akong maibibigay pa na bago kasi drained ako dito sa Barang. Napagod ako nang sobra. Gusto ko magpahinga kahit six months to one-year para ‘pag sa susunod na may mai-offer sa akin, may bago naman ako maipakita kasi nakapag-relax na ako.

“Kasi actually hindi pa ako nakakapagpahinga from The Greatest Love hanggang dun sa Hanggang Saan. Nag-two months ako du’n kay KathNiel tapos Pamilya ko. After no’n, eto na.

“So hinga muna. Relax na muna ako. Maglagi na muna ako sa probinsya. ‘Yun ‘yung nasa utak ko ngayon. Rest muna. Para pagbalik ko may bago kayong makita at hindi talo ‘yung producer na mag-aalok sa akin ng bagong role,” paliwanag ni Ibyang.

Sulit naman ang hirap ng aktres dahil nanalo siya bilang Best Actress in a Supporting Role sa The Asian Academy Creative Awards (national) kamakailan at siya ang representante ng Pilipinas para sa The Asian Academy Creative Awards na gaganapin sa Singapore sa Disyembre 2 at 3.

Kabilang din ang co-actor niyang si Nonie Buencamino para sa Best Actor in a Supporting role sa kaparehong serye.

Sabi nga ni Sylvia, “Sobrang wow after ng lahat ng hirap ko kay Barang sulit lahat ng pagod at pasalamat ako kasi lahat ng co-actors ko rito magagaling din kaya nakakapag-react ako ng ganu’n.  Honestly hindi ko inaasahan ‘yun.”

Kaya pinasalamatan niya ang buong production team, Dreamscape Entertainment at ABS-CBN dahil sa kanya napunta ang role na Barang.

“Maraming salamat pinagkatiwala niyo sa akin ‘yung role na Barang. Pero aaminin ko nahirapan ako dito. Tiring and draining talaga si Barang. Kasi yung character na Barang, hindi siya thinking character eh. Instinctive si Barang.

“Ang dami daming eksena. Bawat eksena ni Barang, kahit wala siyang dialogue, wala siyang ginagawa, nandun lang siya sa background, hindi mo talaga makakalimutan kasi si Barang ibang klaseng character eh. Meron siyang sariling mundo.

“Pero madaming mga drama, ang daming iyakan, pero ang pinaka talagang tumatak sa akin na eksena is ‘yung eksena ko with Diether (Ocampo), Andrea (Brillantes) do’n sa labas ng bahay namin ‘yung pinagsabihan ni Diether na si Samuel si Mira na tigilan na niya at layuan niya si Joy (Francine Diaz) tapos pinapapasok na niya sa kotse si Joy.

“Pinagsasabihan niya si Mira tapos dumating si Barang tapos pinagtanggol ni Barang si Mira kay Samuel. Gustung-gusto ko kasi ‘yung eksena na walang iyakan, napaka-simple, hindi drama talaga pero tagos sa puso. Walang iyakan, walang luhang tumulo pero tagos sa puso. ‘Yun ‘yung hindi ko makalimutan.”

Tapos na ang taping ng “Huwag Kang Mangamba” kaya naman nang magkita-kita sa grand finale mediacon ang lahat ay ang saya-saya nila, daming biruan, tawanan at bukingan.

Aniya, “Mami-miss ko lahat ng co-actors, directors, crew, staff, itong grupong ito. Kasi ang ganda ng samahan eh. One big happy family kami sa HKM. Kung may nagkaka-problema, advice-an, tulungan, hilahan. Walang nag-da-down sa isa’t isa.

“Tapos ‘yung mga kakain kami magkakasama, pero siyempre ingat kami. Tapos kuwentuhan, tawanan, pinag-uusapan ‘yung mga problema. Naging isang malaking masayang pamilya kami. Umaga pa lang magkakasama na kami hanggang bago matulog ay ang kulitan sobra. kaya ‘yung mga kasamahan ko talaga ma-mi-miss ko.”

Abangan ang laban ng kabutihan at kasamaan sa huling tatlong linggo ng Huwag Kang Mangamba sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, WeTV,  iflix at mapapanood din ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Related chika:

Dream role ni Sylvia natupad sa Huwag Kang Mangamba: Masarap siyang paglaruan

Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice, Sylvia, JM, Nonie lalaban sa 2021 Asian Academy Creative Awards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending