Dream role ni Sylvia natupad sa Huwag Kang Mangamba: Masarap siyang paglaruan
UMAANI na naman ngayon ng papuri ang award-winning Kapamilya actress na si Sylvia Sanchez.
As expected, agaw-eksena na naman si Ibyang sa bagong inspirational series ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba” bilang si Barang na isang palaboy.
Puro positibong komento ang natatanggap ng aktres simula nang umere ang programa sa Kapamilya Channel, A2Z at iba pang platforms ng ABS-CBN. Ngayon pa lang daw ay nangangamoy best actress na naman para kay Ibyang.
Sa nakaraang virtual mediacon ng “Huwag Kang Mangamba” sinabi ni Sylvia na isa sa mga dream role niya ang karakter ni Barang, “Salamat sa Dreamscape at pinagkatiwalaan ako sa isang napakagandang role, isa sa mga pinangarap ko na role.
“Over the years I want to take this chance to thank you for considering me sa inyong mga projects. Isa ito sa wish ko, isa ito sa gusto ko gawin talaga. Masarap siya i-portray, masarap siyang i-embrace, at masarap siyang paglaruan,” chika ng nanay nina Arjo at Ria Atayde.
Dagdag pang paliwanag ni Sylvia, “Ang pagkakaiba nitong role na ito ay wala siya sa totoong mundo. Meron siyang sariling mundo. Wala siya sa reyalidad.
“Actually nu’ng tinanggap ko ito, kinausap ko sila kung hanggang saan ang puwedeng gawin, kung ano ang bawal at ano ang dapat iwasan. Nabuo rin naman namin si Barang. Meron akong pinortray noon pero iba naman dito.
“First time ito at sa isang teleserye pa. Kailangan talagang mag-concentrate ka du’n sa role na yun. Pag pumunta ako dun na hindi ako paghahandaan at hindi ko yayakapin ng buo yung role ko eh, tatagilid ka talaga. Kailangan focused dito,” dugtong pa niya.
Samantala, aminado ang aktres na malaki rin ang naitulong ng lock-in taping para mas maging consistent siya sa kanyang karakter, “Ngayon sa role na Barang mas okay sa akin ito kasi nandun ako sa isang lugar naka-focus ako.
“Everyday nagte-taping. Unlike yung dating ginagawa namin na let’s say Monday, Wednesday, Friday yung taping namin. Mas mahirap yun. So, mas okay ito, tamang-tama kay Barang yung ganitong set up ng taping,” sey pa ni Ibyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.