Billy super happy sa paglaya ni Vhong: Pero legal matters na ito kaya hindi tayo puwedeng makisawsaw lang | Bandera

Billy super happy sa paglaya ni Vhong: Pero legal matters na ito kaya hindi tayo puwedeng makisawsaw lang

Ervin Santiago |December 11,2022
facebook
share this

Billy super happy sa paglaya ni Vhong: Pero legal matters na ito kaya hindi tayo puwedeng makisawsaw lang

Ervin Santiago - December 11, 2022 - 03:55 PM

ISA ang TV host-actor na si Billy Crawford sa mga natuwa nang payagan ng korte na makapagpiyansa ng P1 million si Vhong Navarro para pansamantalang makalaya sa Taguig City Jail.

Ilang linggo ring nakulong ang komedyante dahil sa kasong rape na isinampa ng dating model na si Deniece Cornejo pero pinalaya na nga kamakailan matapos payagan ng korte na makapag-bail.

Nang malaman ni Billy na pansamantalang nakalaya mula sa pagkakakulong ang kaibigan noong December 6 ay talagang abot-langit ang pasasalamat niya.

Ayon kay Billy, magandang balita sa pagbabalik niya sa Pilipinas mula sa France kung saan nagkampeon siya sa “Danse avec les Stars”, ang French edition ng “Dancing With The Stars”, ang paglaya ni Vhong sa kabila ng pagiging non-bailable ng kasong rape.

“Siyempre naman, sino ba naman ang hindi matutuwa sa balitang ito, especially itong Paskong to dapat magkasama ang mga pamilya, di ba?” ang pahayag ni Billy sa “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube channel.

“Actually, nag-text-an na kami ni Kuys (Vhong ) and I’m just really happy sa kanya na, at least, makakasama niya yung anak niya, makakasama niya yung asawa niya, at magiging buo yung Pasko nila,” aniya.

Ipinagdarasal din ni Billy na sana’y  magtuluy-tuloy na ang pag-usad ng kaso ni Vhong sa maayos na paraan, “Naging malungkot sa buong industriya at sa buong sa Pilipinas, actually, nu’ng naikulong siya.

“Pero at the end of the day, sana ma-resolve nang tama at sana ipagdasal pa rin natin si Vhong kasi medyo mahaba-haba pa rin ang pagdadaanan niya,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “Siyempre, legal matters na ito hindi tayo puwedeng makisawsaw lang. So, kung ako lang, natutuwa ako dahil sa kaibigan ko na nakabalik siya sa pamilya niya ngayong Pasko.”

Samantala, nilinaw naman ni Billy ang tungkol sa balitang pagtira nila ni Coleen Garcia sa France, “If the chance is given para sa aming pamilya, e, bakit hindi pabalik-balik if possible, di ba?

“Pero it really depends on work, it really depends kung ano ba io-offer sa akin, if ever. Bahala na lang ang Panginoon. Yun na lang talaga ang kinakapitan naming pamilya. Bahala Siya mag-decide para sa amin,” pahayag ni Billy.

Related chika:

Noel Trinidad hirap na hirap nang makarinig; ilang beses ni-lips-to-lips si Liza Lorena sa presscon ng ‘Family Matters’

Billy pumapasok noon sa ‘It’s Showtime’ nang lasing; muntik nang hindi matuloy ang kasal nila ni Coleen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Billy Crawford hindi pa rin nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis matapos lumipat sa TV5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending