JC Santos naging pasaway din noon: Lumaki ako na maraming bad decisions at maraming pagkakamali | Bandera

JC Santos naging pasaway din noon: Lumaki ako na maraming bad decisions at maraming pagkakamali

Ervin Santiago - December 12, 2022 - 07:05 AM

JC Santos naging pasaway din noon: Lumaki ako na maraming bad decisions at maraming pagkakamali

JC Santos

RELATE na relate si JC Santos sa kuwento at tema ng bago niyang pelikula, ang “Family Matters” na official entry sa Metro Manila Film Festival 2022, na magsisimula na sa December 25.

Kuwento ng aktor sa ginanap na grand mediacon ng pelikula last December 7, may ilang eksena kasing pareho sa mga naranasan niya noong bata pa siya partikular na ang mapalayo sa mga magulang.

“Panganay kasi ako sa magkakapatid. Ang catch lang kasi sa akin, hindi ako lumaking may pamilya, kasi OFW parents ko.

“Seaman daddy ko, tapos my mom is OFW sa America. So, 16 pa lang ako, ako na bahala,” pagbabahagi ng aktor.

Ani JC, naging pasaway din siya noong kabataan niya dahil wala siyang sinusunod na father figure, “So, naka-relate ako sa bunso part kasi bunso ako ng magkakaibigan. I grew up with friends, kapag sinabi nila na, ‘Hoy mali iyan, ah, don’t go on that path.’

“Kasi kapag parents ang nagsabi niyan, parang you hear na rebellious ka, susundin mo na lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)


“Kapag kasi kaibigan ang nagsabi sa iyo nu’n, sasabihin mo, ‘Is that a challenge?’ So, lumaki ako na maraming bad decisions, maraming mistakes, I always learn the hard way.

“So, parang in a way, I liked the part of growing with friends kasi madali akong maging vulnerable. Kapag I think I can go on full-on emotional with them. So, I think yun yung advantage,” pahayag pa ni JC.

Umiikot ang kuwento ng “Family Matters” sa pamilya ng mag-asawang Francisco, na ginampanan ng veteran actor na si Noel Trinidad, at Eleanor, na bibigyang-buhay naman ni Liza Lorena.

Gaganap namang mga kapatid ni JC sa movie sina Nonie Buencamino, Mylene Dizon at Nikki Valdez.

Produced ng Cineko Production, ang “Family Matters” ay mula sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Mel Del Rosario.

Ang iba pang cast members ay sina Agot Isidro, James Blanco, Ana Luna, Ina Feleo, Ketchup Eusebio, Roxanne Guinoo, at introducing si Ian Pangilinan. Showing na ito sa December 25 sa lahat ng sinehan nationwide.

Noel Trinidad hirap na hirap nang makarinig; ilang beses ni-lips-to-lips si Liza Lorena sa presscon ng ‘Family Matters’

Billy super happy sa paglaya ni Vhong: Pero legal matters na ito kaya hindi tayo puwedeng makisawsaw lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joel Lamangan sa R-18 rating ng MMFF entry na ‘My Father, Myself’: Ayaw nila ng kabaklaang movie na serious ang treatment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending