Bianca Umali super idol si Mylene Dizon: Para kaming pinagbiyak na bato!
NAGSILBING inspirasyon at mentor ng Kapuso star na si Bianca Umali ang premyadong character actress na si Mylene Dizon.
Kung may isang female celebrity na talagang hinahangaan at nirerespeto nang bonggang-bongga ni Bianca sa mundo ng showbiz, yan ay walang iba kundi si Mylene.
Ayon sa girlfriend ng Kapuso Action Hero na si Ruru Madrid, hinding-hindi niya makakalimutan ang mga pinagsamahan nila ni Mylene sa GMA primetime series na “Sahaya.”
Bukod dito, nakatrabaho rin ni Bianca si Mylene sa isa pang GMA series, ang “Once Upon A Kiss.”
Baka Bet Mo: Vice Ganda miss na ng madlang pipol; Mylene masaya sa muling pagbabalik bilang Kapamilya
Umere noong 2019 ang “Sahaya” kung saan gumanap na magnanay sina Mylene at Bianca. Dito, naging super close ang dalawang aktres at kahit tapos na ang nasabing programa ay nagpatuloy pa rin ang kanilang magandang relasyon.
“Number one siguro na masasabi kong mayroon akong maraming memories na hindi ko makakalimutan na veteran actor, it would be Ms. Mylene Dizon because para kaming pinagbiyak na bato, honestly, like iisang tao lang kami,” pahayag ni Bianca sa interview ng “Kapuso Profiles” ng GMA Network.
View this post on Instagram
Sey ng dalaga, hindi lang sa aktingan niya hinahangaan si Mylene kundi maging sa pagiging babae. Napakarami rin niyang natutunan sa seasoned actress pagdating sa personal na buhay.
Baka Bet Mo: Juday nagsilbing ‘cook’ ni Sharon: Para raw lumakas at gumaling ako agad!
“Na-attach ako sa kanya because she taught me so much about life. I love how independent she is. I love how strong she is as a woman.
“And, I really see myself in her. Actually, nakita ko kung saan ako papunta rin. Kung gaano siya ka-solid as a woman,” sabi ni Bianca.
Busy ngayon si Bianca sa taping ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” kung saan gaganap siya bilang si Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
Makakasama niya sa bagong edisyon ng iconic telefantasya ng GMA ang tatlo pa sa bagong henerasyon ng mga Sang’gre – sina Angel Guardian, Kelvin Miranda at Faith Da Silva.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.