Juday nagsilbing 'cook' ni Sharon: Para raw lumakas at gumaling ako agad! | Bandera

Juday nagsilbing ‘cook’ ni Sharon: Para raw lumakas at gumaling ako agad!

Ervin Santiago |April 20,2021
facebook
share this

Juday nagsilbing ‘cook’ ni Sharon: Para raw lumakas at gumaling ako agad!

Ervin Santiago - April 20, 2021 - 02:02 PM

ILANG araw ding nagsilbing “chef” ni Megastar Sharon Cuneta ang isa sa itinuturing niyang BFF sa mundo ng showbiz na si Judy Ann Santos.

Super thankful ang singer-actress kay Juday dahil talagang nag-effort ang misis ni Ryan Agoncillo para makapagluto ng ilan sa mga paborito niyang pagkain.

Sa kanyang Instagram page, sinabi ni Mega na ilang araw na siyang ipinagluluto ng kanyang “kapatid”, kabilang na nga ang mga favorite niyang putahe para raw sa mabilis niyang paggaling.

Wala namang ibinigay na detalye si Sharon tungkol sa kanyang health condition o kung ano ang naging karamdaman niya.

“Hindi po nya binebenta ito. Pero ilang araw na ako pinagluluto ng kapatid kong si Juday para daw lumakas at gumaling ako agad!

“Tulad ng pinakamasarap na chicken curry sa mundo na gawa nya and alam nyang paborito ko.

“Nu’ng isang araw naman champorado, arroz caldo, at lahat na yata ng paborito ko pinagbuhusan niya ng panahon at pagod para lang sa akin. Mayat-maya tine-text nya ako. Nu’ng isang araw magka-FaceTime kami,” bahagi ng caption ni Mega sa kanyang IG post.

Muling ipinagdiinan ni Shawie na iba talaga ang level ng pagmamahal at pagsuporta nila ni Juday sa isa’t isa. Ilang beses na ring napatunayan ng asawa ni Sen. Kiko Pangilinan na  hindi lang basta friendship ang turingan nila ni Juday kundi tunay na kapamilya.

“Iba si Juday sa puso at buhay ko. Hanggang kabilang buhay magkasama at magdadamayan kami. I love you with all my heart, sis. Thank you so much for taking good care of me,” sabi pa ni Mega.

Nagkomento naman si Juday sa Instagram post ni Mega at hiniling ang mabilis na pagbuti ng kanyang kalusugan.

“Feel better soon my ate… Basta kumain ka lang, I’ll take care of you kahit hanggang sa pagkain lang muna…

“Just promise me that you will take care of yourself as well… I love you ate… I’m just here no matter what,” mensahe ng TV host at aktres sa itinuturing na rin niyang parang totoong ate sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula ang closeness nina Judy Ann at Sharon noong gawin nila ang pelikulang “Magkapatid” ilang taon na ang nakararaan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending