'Family Matters' humakot ng tropeo sa Luna Awards 2023, Heaven waging best actress; P15-M inilaan ng QCinema Project Market | Bandera

‘Family Matters’ humakot ng tropeo sa Luna Awards 2023, Heaven waging best actress; P15-M inilaan ng QCinema Project Market

Reggee Bonoan - August 30, 2023 - 04:20 PM

Family Matters humakot ng tropeo sa Luna Awards 2023, Heaven waging best actress; P15-M inilaan ng QCinema Project Market

MUKHANG satisfied ang lahat sa resulta ng 39th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP) na ginanap kamakailan sa Quezon City Sports Club, E. Rodriguez Ave., Quezon City dahil wala kaming nabasang negatibo. Sa wakas ay nasungkit na ng pelikulang “Family Matters” ng Cineko Productions ang Best Picture award na hindi pinansin noong nakaraang Metro Manila Film Festival 2022.

Pero kahit na nanalong best picture ang “FM” ay hindi naman ang direktor nitong si Nuel Naval ang tinanghal na Best Director kundi si Mikhail Red para sa “Deleter.”

Nakamit naman ni Ginoong Noel Trinidad ang Best Actor trophy para sa “Family Matters.”

Ang isa sa hinulaang mananalong Best Actress sa MMFF 2022 na si Heaven Peralejo para sa “Nanahimik ang Gabi” ay hindi rin sinuwerte, pero sa Luna Awards ay natupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng award kaya naman panay ang halik niya sa tropeo na pinost pa niya sa kanyang Instagram account.

Kahit na may temang sexy ang pelikulang “Reroute” mula sa Vivamax ay tinanghal na Best Supporting Actor ang nag-iisang John Arcilla.

Kung tama ang Wikipedia at IMDB ay pampitong tropeo na ito ni Mylene Dizon na napansin ang acting dahil siya ang nanalong Best Supporting Actress para sa pelikulang “Family Matters.”

Samantala, ang mga nanalo naman sa usaping teknikal ay ang mga sumusunod:

Best Screenplay – Martika Ramirez Escobar (Leonor Will Never Die)

Best Cinematography – Carlos Mauricio (Leonor Will Never Die)

Best Production Design – Elfren Vibar (Family Matters)

Best Editing – Lawrence Ang (Leonor Will Never Die)

Best Musical Scoring – Jazz Nicolas & Mikey Amistoso (Blue Room)

Best Sound Design – Andrea Idioma (Nanahimik ang Gabi)

SPECIAL AWARDS:

Golden Reel Award – Sen. Imee Marcos (accepted by her cousin, Eliza Valtos)

FPJ Lifetime Achievement Award – Leo Martinez

Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements – Ricky Lee, National Artist

Lamberto Avellana Memorial Award – Conrado Baltazar

Sa pagtatapos ng gabi ng parangal ay kinanta nina pop stars Allyson Gonzales at P-Pop group Cloud 7 ang Luna theme song para ipakilala ang Best Picture winner na sinulat ni Njel de Mesa at inareglo ni Nonong Buencamino at Rommel Ricafort.

Ang 39th Luna Awards ay line produced ng RR Entertainment with the support of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Film Development Council of the Philippines (FDCP), at Office of the Mayor, Quezon City Government.

Baka Bet Mo: ‘Family Matters’ pinaiyak ang showbiz press: Pero uuwi kayong masaya at punumpuno ng pag-asa sa inyong pamilya…

* * *

Inihayag ng pamunuan ng Quezon City Film Development Commission ang paglulungsad ng QCinema Project Market (QPM). Ito ang kauna-unahang project market na itinaguyod ng isang local government unit or LGU.

Layunin ng project market na ito na mabigyan ang mga filmmakers mula sa Pilipinas at Southeast Asian countries ng mas maraming oportunidad.

Ang QPM ay tutulong sa mga filmmakers na ito na makakuha ng funding, mag-expand ang kanilang network at makapag-develop ng kanilang skills. Mahigit 15 million pesos na funding ang inilaan ng Quezon City para sa mga mapipiling filmmakers.

Ayon kay Ms. Liza Diño-Seguerra, ang bagong Quezon City Film Development Commission Executive Director “Malaki ang potensyal ng mga filmmakers sa ating rehiyon at kaya nilang makipag-sabayan sa mga filmmakers sa ibang bansa.

Makakatulong ang QPM na maitanghal ang kanilang pelikula sa iba’t-ibang panig ng mundo.”

Ang mga Filipino at Southeast Asian filmmakers na may proyektong nasimulan na ay inaanyayahang sumali. Kailangang sila ay nakagawa na ng kahit isang short or feature film.

Upang makalahok, kailangang mag-sumite ng full script ng isang feature-length fiction film kasama ng kanila application form. Kailangan ding magpasa ng logline, synopsis, director’s statement, production schedule, treatment, financial plan, production cost, at ang profiles of the director, producer, at production company. Maari ring ibigay ang sample reels ng director.

Ang deadline ay sa September 15, 2023.

Labinglimang entries ang papalaring makasali sa film market na gagawin mula November 18 hanggang 20, 2023, kasabay ng QCinema International Film Festival.

Idinagdag ni Ms. Diño-Seguerra “Ang QPM ay naglalayon ding gawin ang QCinema na global hub ng Southeast Asian cinema.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Dolly de Leon pasabog ang role sa ‘Triangle of Sadness’, binigyan ng standing ovation sa opening ng 10th QCinema filmfest

Agot, Nikki naglabas ng saloobin sa pang-iisnab ng MMFF 2022 jurors sa ‘Family Matters’, pero feeling winner pa rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending