Heaven umamin na: Mas lalo akong nai-in love kay Marco!

Heaven umamin na: Mas lalo akong nai-in love kay Marco!

Ervin Santiago - July 30, 2024 - 12:05 AM

Heaven umamin na: Mas lalo akong nai-in love kay Marco!

Marco Gallo at Heaven Peralejo

IN FAIRNESS, kahit sikat na ang tambalan nina Marco Gallo at Heaven Peralejo ay game na game pa rin silang sumuporta sa mga kasabayan nilang loveteam sa Viva Artists Agency (VAA).

Ilang beses nang bumida sa mga projects ng Viva Entertainment ang MatVen loveteam pero talagang naglaan pa rin sila ng panahon para magbigay-suporta sa loveteam nina Gab Lagman at Hyacinth Callado.

Present sina Marco at Heaven sa grand mediacon para sa 3rd installment ng University Series ni Gwy Saludes na “Chasing in the Wild” kung saan bida nga sina Gab at Hyacinth.

Baka Bet Mo: Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers

Bukod kina Marco at Heaven, dumalo rin sa mediacon ang iba pa nilang kasamahan sa 1st and 2nd installment na “The Rain in Espana” at “Safe, Skies Archer.” Wala raw isyu sa MarVen kung support man sila ngayon sa “Chasing in the Wild.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mac (@marcogalloc)


Sey ni Marco, “Alam naman naming lahat that everyone was gonna have their book. So, I’m actually happy na nauna kami kasi parang ‘yung lahat ng bigat. Parang exam lang sa school. Kami ang nauna, tapos na.”

“Heaven and I are just enjoying the whole thing now. It’s less stressful coz we have less lines to take care of on set and we have our own thing going. Like this feels like a recap,” sey pa ni Marco.

Happy din daw siya na nadadagdagan ang barkada at fans ng mga loveteam sa hit University series na napapanood sa streaming app na Viva One.

“Nakakatuwa lang na makita na dumadagdag ‘yung lahat ng fans ng iba’t ibang loveteams. Parang naggo-grow lahat,” sabi pa ng binata.

“Yeah, you know, super-chill lang, walang ano lang. Nakakatuwa nga, eh, ang dami ko nang banner na nakikita kay Hyacinth, that’s cute,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Heaven unti-unti nang inilalantad ang relasyon nila ni Marco: ‘Gusto kong protektahan kung anuman ‘yung meron ako sa personal life ko’

Para naman kay Heaven, para na silang isang pamilya sa show at bilang nauna nga silang i-launch sa first installment, gina-guide talaga nila ang iba pang kasamahan sa programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gab Lagman (@gablagman)


Super happy din si Heaven na kahit dalawang taon na ang nakalilipas matapos ipalabas ang “The Rain in Espana” ay tinatawag pa rin sila ni Marco ng Kalix and Luna, ang mga karakter nila sa serye.

“Nakakataba ng puso all the time. Ewan ko, minsan, kapag naririnig ko ‘yun, mas lalo akong nai-in-love kay Marco,” chika ni Heaven na sinundan ng sigawan ng mga fans na nasa mediacon.

Ito naman ang reaksyon ni Gab sa naging pahayag ng MarVen tungkol sa loveteam nila ni Hyacinth, “We’re just so grateful na ‘yun nga, sabi ni Heaven, we’re like a family and yeah, we have a lot of question.

“Siyempre, bago po kaming loveteam and I always ask them for advice and even kay KrisshRome (Krissha Viaje at Jerome Ponce na bida sa ‘Safe, Skies Archer’) and I’m happy na they’re happy for us, they’re so supportive,” pahayag ni Gab.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa direksyon ni Thop Nazareno, mapapanood na ang “Chasing in the Wild” simula August 16 sa Viva One.
Kasama rin dito sina Bea Binene, Aubrey Caraan, Nicole Omillo, Wilbert Ross at Jairus Aquino with seasoned actor Anjo Yllana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending