Heaven unti-unti nang inilalantad ang relasyon nila ni Marco: 'Gusto kong protektahan kung anuman 'yung meron ako sa personal life ko' | Bandera

Heaven unti-unti nang inilalantad ang relasyon nila ni Marco: ‘Gusto kong protektahan kung anuman ‘yung meron ako sa personal life ko’

Ervin Santiago |July 25,2023
facebook
share this

Heaven unti-unti nang inilalantad ang relasyon nila ni Marco: ‘Gusto kong protektahan kung anuman ‘yung meron ako sa personal life ko’

Ervin Santiago - July 25, 2023 - 07:34 AM

Heaven unti-unti nang inilalantad ang relasyon nila ni Marco: 'Gusto kong protektahan kung anuman 'yung meron ako sa personal life ko'

Heaven Peralejo at Marco Gallo

FEELING namin, may relasyon na talaga ang magka-loveteam na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo base sa kanilang body language at tinginang nakakatunaw.

Muling humarap sa entertainment media ang MarVen tandem sa presscon ng kanilang first movie together na “The Ship Show” ng Viva Films. Una silang nagsama sa super hit Viva One series na “The Rain In España.”

Isa itong romantic-comedy directed by Jason Paul Laxamana, kung saan iikot ang kuwento sa 12 individual na sasabak sa isang reality show. Maglalaban-laban sila para sa titulong “Next Big Loveteam.”

Sa isang bahagi ng “The Ship Show” presscon ay muling natanong ang dalawa kung magdyowa na sila sa tunay na buhay o talagang screen partners lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Unang nagsalita si Heaven, “’Yung past relationships ko super open to the public and parang wala siyang masyadong naidulot na maganda. Parang ngayon, mas gusto kong protektahan kung ano man ‘yung meron ako sa personal life ko.

“Kung ano lang sana ‘yung mga nakikita ng tao, sana respetuhin nila. ‘Yun lang din naman po ‘yung gusto namin, na willing kaming ilabas,” sey pa ng dalaga.

Inamin din niya na mas naging secretive siya ngayon dahil sa trauma, “Kasi, ako ngayon parang if ever papasok ako sa isang relationship gusto ko sana ‘yung pangmatagalan na. Kung pwede nga hanggang dulo na, ‘yung ganu’n.”

“Kasi nakakapagod din ‘yung alam mo ‘yun… yung papalit-palit or ano. Ayoko talaga ng ganu’n. Pero siyempre kung hindi pa ‘yun ang tamang tao para sa akin eh, di siyempre I have to let go.

“Pero siyempre, kung tama naman ‘yung tao para sa akin bakit ko ile-let go ‘yun. Siyempre, paghihirapan ninyo ‘yun at tatrabahuhin araw-araw,” paliwanag pa niya.

Baka. Bet Mo: Heaven Peralejo pumirma na ng kontrata sa Viva Artists Agency, handa na nga bang sumabak sa mga pasabog ng Vivamax?

Sa tanong kung si Marco na ba ang “right one” para sa kanya, “Sa ngayon, lahat naman ng mga nakikita ko kay Marco napaka-green plant nitong lalaki na ‘to, eh. Ha-hahaha. Pero we’re still enjoying our time. There’s no rush and ‘yun lang,” dagdag pa niyang paliwanag.

Sey naman ni Marco, “You know, why there’s no rush. It’s been on the same mindset kasi medyo nag-aalanganin kami sa mga personal na relationship namin. Meron kaming realization na parang sabi namin hindi na siya parang… it’s gonna be the one na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)


“It’s hard to just jump into another relationship, especially men kasi masasayang lang, ‘di ba? Masakit ‘yun, eh, mentally, emotionally, maa-affect ka dun. So, para sa amin kung ano man ang meron kami, we just want to make it right. We’re taking our time, there’s no rush, ganu’n,” esplika ng aktor.

Ngunit, mukhang ready na si Marco na ibandera sa buong universe ang pagmamahal niya kay Heaven matapos i-post sa Instagram ang kanilang first-ever official date na inilarawan niyang “a night to remember.”

Bago ito, noong July 21 ay nagkaroon ng surprise appearance ang aktor sa isang event na kung saan ay isa sa mga guest performer si Heaven. Pagkatapos kumanta ng aktres ay bigla siyang pinuntahan ni Marco sa stage at lakas loob siyang nagpahayag ng kanyang date proposal.

“To whomever it may concern, I’m just here to perform one of the many acts of love. Since this gorgeous lady has been giving us such a sweet night, I believe, it would be nice to offer her one as well. Just to be fair.

“Since you’ve been working so hard lately, like every single day, how does a dinner tonight for the two of us sound to your ears, aking binibini?”  tanong ni Marco kay Heaven.

Agad namang sumagot ng aktres ng, “Why not? Let’s go!” na inakalang isang friendly date lang ang alok sa kanya ng binata. Ngunit agad naman itong nilinaw ng aktor at sinabing, “It’s a date, our official first date. How does that sound?”

Patuloy pa niya, “I hope you can wear the beautiful dress I prepared for you. I hope you can join me and let your voice be music to my ears for the rest of the night.”

Kinilig naman ang aktres sa sinabi ni Marco at sumagot ng, “Yes, I will go out on a date with you.”

Samantala, inamin naman ni Heaven na nape-pressure siya sa first movie nila ni Marco na “The Ship Show”, “Kasi first film namin ni Marco ‘to, eh, together and so may pressure po talaga. Sana ‘yung mga fans na from The Rain In España, eh, masuportahan itong The Ship Show. Kasi lahat ng ito pinaghirapan namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)


“Hindi lang naman kami ni Marco ito, eh. Kung wala sila (supporting cast) wala rin kami. So, lahat kami nagtutulungan. Napakagandang konsepto at istorya nito,” aniya pa.

Kasama rin sa pelikula ang mga promising Viva Artists Agency talents na sina Tomas Rodriguez, Ashtine Olviga, PJ Rosario, Angelic Guzman, Rabin Angeles, Bianca Santos, Migo Valid, Janine Teñoso, Martin Venegas, at Madelaine Red.

Mapapanood na sa mga sinehan ang “The Ship Show” simula sa August 9.

Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heaven Peralejo may plano pa bang iparetoke ang boobs?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending