'Family Matters' nina Liza Lorena at Noel Trinidad hindi nag-matter sa mga juror ng MMFF 2022, paki-explain po...' | Bandera

‘Family Matters’ nina Liza Lorena at Noel Trinidad hindi nag-matter sa mga juror ng MMFF 2022, paki-explain po…’

Reggee Bonoan - December 28, 2022 - 05:29 PM

'Family Matters' nina Liza Lorena at Noel Trinidad hindi nag-matter sa mga juror ng MMFF 2022, paki-explain po...'

Cast members ng ‘Family Matters’

“Balik Saya sa MMFF 2022” ang slogan ng Metro Manila Film Festival 2022 dahil pagkalipas ng dalawang taon ay ngayon lang ulit nakabalik ang mga pelikula sa mga sinehan dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero parang hindi naman ganito ang nangyari sa mga artista, direktor at producer na may pelikulang kalahok sa MMFF 2022.

Ang entertainment industry ang pinakaapektado sa halos tatlong taong pandemya kaya naman nu’ng ianunsyo na magbubukas ulit ang mga sinehan ay marami ang natuwang filmmakers at mga artista.

Siyempre ang mga producers ay may agam-agam pa rin kung kikita ba o hindi ang ipo-produce nila pero dahil maraming taong nangailangan ng trabaho kaya pikit-mata silang gumawa ng pelikula.

Mas lalong sumaya nu’ng inanunsyo rin na tuloy na ulit ang MMFF ay marami kaagad ang excited at kanya-kanya nang submit ng scripts sa pamunuan ng Metro Manila Development Authority at saka napili ang walong kalahok para ngayong taon na nagsimula nga nitong Disyembre 25 na aabutin hanggang Enero 7, 2023.

Bago sumapit ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2022 ay naipalabas na ang walong pelikula at may kanya-kanyang reviews na mula sa mga nakapanood at tatlong pelikula ang naringgan namin ng mga positibong komento.

Ito ay ang “Deleter” ng Viva Films, “Nanahimik ang Gabi” mula sa Rein Entertainment at ang ipinagsisigawan ng lahat dahil sa napakaganda ng storyline, mahuhusay na pagganap ng buong cast, pagkakadirek at iba pa, ang “Family Matters” ng Cineko Productions, Inc..

Bumagay ang tema ng “Family Matters” ngayong Kapaskuhan dahil ganito naman talaga ang Filipino family na sabay-sabay pa ring nanonood ng sine. Ganito kasi ang kaugalian ng pamilyang Pinoy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by familymattersmovie (@familymattersmovie)


Pero anong nangyari sa katatapos na Gabi ng Parangal ng MMFF? Bakit parang hindi “nag-matter” sa kanila ang pelikulang “Family Matters”?

As in hindi man lang nominado sa Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Actress, Best Supporting Actress at iba pang minor awards.

Balita nga namin na ang ibinigay na Gatpuno Antonio Villegas award sa “Family Matters” ay para sa ibang pelikula, pero may umangal among the jurors kaya naibigay din. E, kung wala palang nagtanggol ay totally zero award ang pelikula ng Cineko Productions.

Sa jurors ng MMFF paki-explain nga po sa amin kung anong criteria ang ginamit at bakit hindi nasama ang “Family Matters” sa nominees sa mga nabanggit naming kategorya.

Gusto naming isipin na binigyan ng chance ang mahihinang pelikula kaya ipinanalo para ma-boost sa takilya, kasi ganu’n ang mga moviegoers minsan dumedepende sila sa mga awards at saka papanoorin. Pero bakit ang “Deleter” na nasa number 2 slot ngayon ay nominado at maraming nauwing awards?

Kaya sana sa susunod, sa simula pa lang ng Gabi ng Parangal ay ipakilala ang miyembro ng jurors at sabay paliwanag sa proseso kung paano nila pinipili ang mga winners.

Para na rin ito sa maraming nagtatanong kung bakit tila hindi nag-exist sa MMFF jurors ang “Family Matters.”

Well, hindi man naghakot ng awards sa MMFF, waging-wagi pa rin naman ang nasabing pelikula sa puso ng pamilyang Filipino dahil pumapangatlo ito sa ranking ng walong entry.

‘Family Matters’ pinaiyak ang showbiz press: Pero uuwi kayong masaya at punumpuno ng pag-asa sa inyong pamilya…

Billy super happy sa paglaya ni Vhong: Pero legal matters na ito kaya hindi tayo puwedeng makisawsaw lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noel Trinidad hirap na hirap nang makarinig; ilang beses ni-lips-to-lips si Liza Lorena sa presscon ng ‘Family Matters’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending