Pia Wurtzbach agad na nag-reach out kay Ricky Lee matapos malaman ang ‘hawi’ incident
NAGING laman ng usap-usapan at diskusyon sa social media ang nangyaring “hawi” incident sa national artist na si Ricky Lee nang batiin at makipagkamay ito kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Matatandaang nitong mga nagdaang araw ay nag-trending ang video mula sa ABS-CBN News kung saan makikitang hinarangan ng isa sa mga marshal ng actress-beauty queen ang national artist nang lapitan niya ito para makipagkamay.
Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang mga pangyayari at may ilang mga netizens ang nadismaya sa ginawa ng marshal ni Pia dahil tila hindi ito nagpakita ng pagrespeto kay Ricky.
Ilang araw matapos ang insidente ay nagsalita na ukol sa isyu ang isa sa mga malalapit na kaibigan ng national artist na si Direk Mac Alejandre.
“The video of the MIBF incident with Ricky Lee and Pia Wurtzbach was sent to me Monday morning by a friend and I was asked my reaction to it.
“Pinanood ko. Knowing Ricky I knew he wouldn’t have minded what happened. Most likely ni hindi niya naramdaman na may kakaibang naganap,” lahad ng direktor.
Baka Bet Mo: Ricky Lee hinarang ng marshal nang kamayan si Pia Wurtzbach, netizens nadismaya
View this post on Instagram
Ilang oras nga raw ang nakalipas at agad na umani ng komento at nag-viral sa social media ang naturang video nina Ricky at Pia kaya naman kinausap niya ang kaibigan upang malaman ang totoong nangyari.
Kuwento raw ni Ricky, nagsimula ito nang maganap ang ribbon cutting ng beauty queen kung saan isa siya sa tatlong national artists na guests of honor.
Sabay rin daw silang kumain ng lunch ni Pia kung saan nagkaroon sila ng masayang kwentuhan. Sumakay rin siya sa sasakyan nito at nakatanggap ng libro mula sa beauty queen hanggang sa nanyari na nga ang nakunan sa viral video.
Kaya naman tinanong niya kung ano ang reaksyon ni Ricky sa naturang video.
“Sagot niya, ‘Ni hindi ko namalayan na may ganon. Clueless ako. Naglalakad lakad lang ako dahil napagod ako sa book signing and I wanted to stretch my legs when Pia passed by. Then that happened.
“‘Di ko napansin ang paghawi. Sumunod pa nga ako at nanood ng konti nung umakyat ng stage si Pia’,” lahad ni Mac.
Nang tanungin niya ito kung nais niyang magbigay komento sa nangyari ay sinabi niyang hindi na kailangan dahil hindi naman siya nasaktan.
Ngunit mas nakakuha ng atensyon ang viral video ng paghawi ng marshal ni Pia kay Ricky at halos lahat ng netizens ay sinasabing nabastos ang national artist.
Dito na raw nagsimulang mag-reach out ang media outlets sa kanyang kaibigan at nalagay ito sa sitwasyon na kinakailangan niyang magsalita. Knowing his friend, iisipin nito ang pangkalahatan sa kanyang magiging pahayag.
Aniya, tungkulin naman talaga ng guard na protektahan si Pia pero malinaw naman na kilala nv huli si Ricky kaya kung nabigyan lang sana ng oras at spce ang dalawa kahit saglit ay walang isyu.
“But the guard was caught in the energy of the moment. Ang focus niya ay trabaho niya. Tama. Pero hindi lahat ng tama ay makatao. There can be better ways of performing one’s responsibility
“When Pia learned about the incident, she immediately reached out to Ricky and apologized that an incident occured which she wasn’t aware of. That was gracious of her,” sey ni Direk Mac.
Depensa naman niya sa beauty queen, naipit rin kasi ito sa sitwasyon dahil base rin sa video ay tatawagin na siya sa stage at minamadali na siya ng mga taong nasa paligid niya.
“When the incident happened, she [Pia] could have politely told the guard to relax and give her and Ricky a moment. But she was caught in the rush. As seen in the video, she was about to be called onstage and people around her were surely rushing her. It was a missed opportunity and no one is to be blamed.
“People around Ricky could have cautioned the guard, too, but they were also caught in the moment,” kuwento pa ni Direk Mac.
Hiling naman ni Direk Mac na sana ay hindi na maulit ang insidenteng nangyari sa pagitan nina Pia, Ricky, at ng marshal.
Pero sana wag na ito mangyari kanino man.
“Ricky’s works have always been about humanity and justice. He is not about blaming the ‘ordinary’ people. His works illuminate the ills in the system and the elements that perpetuate oppression,” dagdag pa ng direktor.
Related Chika:
Pia Wurtzbach nagbabala sa netizens laban sa mga scammers: Protect yourself and your online security
Pia Wurtzbach sa mga patuloy na lumalaban sa buhay: You’ll never miss what’s meant for you
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.