Pia Wurtzbach nagbabala sa netizens laban sa mga scammers: Protect yourself and your online security
NAG-WARNING si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang mga followers at supporters na ingatan ang sarili laban sa mga kumakalat na scammers.
Sa kanyang Instagram story ay inilahad niya na mayroong nagpapanggap bilang kanyang team at nanloloko sa publiko.
Nagkaroon kasi ng pa-giveaway sina Pia at ang kapwa Miss Universe title holder na si Iris Mittenaere kung saan mamimigay sila ng luxury brand bags sa mapipili nilang follower.
“Our team has been aware of fraudulent individuals impersonating us and attempting to deceive our valued followers.
Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach sa mga walang dyowa: Trust in the universe, your time will come…
View this post on Instagram
Please be extremely cautious if you receive any messages urging you to click on suspicious links,” paalala ni Pia.
Giit pa ng beauty queen, never silang hihingi ng anumang bank details at mga links sa kanilang followers.
“We will never ask for your bank details or direct you to unfamiliar websites. Protect yourself and your online security by staying vigilant,” sey pa ni Pia.
Pinayuhan rin niya ang mga netizens na agad na i-report kung may mga suspicious activity na makikita.
Ayon pa kay Pia, ang mananalong sa kanilang pa-give away ay iaanunsyo sa Instagram account ni Iris.
Nagpasalamat naman ang beauty queen sa patuloy na suporta at tiwala ng kanyang mga supporters sa kanya.
Related Chika:
Netizens abangers na sa pagbubuntis ni Pia Wurtzbach; Jeremy Jauncey tinawag na ‘best decision’ ang pagpapakasal
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.