Ricky Lee hinarang ng marshal nang kamayan si Pia Wurtzbach, netizens nadismaya | Bandera

Ricky Lee hinarang ng marshal nang kamayan si Pia Wurtzbach, netizens nadismaya

Therese Arceo |September 20,2023
facebook
share this

Ricky Lee hinarang ng marshal nang kamayan si Pia Wurtzbach, netizens nadismaya

Therese Arceo - September 20, 2023 - 03:41 PM

Ricky Lee hinarang ng marshal nang kamayan si Pia Wurtzbach, netizens nadismaya

NAPAILING ang mga netizens matapos mapanood ang tila pagharang ng marshal sa national artist na si Ricky Lee nang kamayan at batiin nito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Manila International Book Fair (MIBF) kamakailan.

Ang naturang video ay ibinahagi ng ABS-CBN News kung saan nahagip ng camera na talagang hinarangan ng lalaki ang National Artist for Film and Broadcast Arts matapos nitong batiin ang beauty queen na nasa event para sa book launching ng kanyang librong pinamagatang “Queen of the Universe: A Novel.”

Inabot naman ni Pia ang kanyang kamay kay Ricky ngunit tila hindi na ito nakahinto dahil sa pagharang ng kanyang guard.

Duda ng mga netizens, hindi kilala ng marshal ang national artist kaya humarang ito para protektahan si Pia.

Ngunit sey ng mga netizens, kung hindi man nakilala ng marshal si Ricky sy dapat ito na ang gumawa ng paraan para magbigay respeto at pagsabihan ang marshal na kilala nito ang hinarang na personalidad.

Hindi raw kasi kanais-nais sa paningin ang nangyari lalo na’t isang alagad ng Sining at kilalang manunulat ito.

Baka Bet Mo: Ricky Lee sa nakukuhang atensiyon bilang National Artist: Tuwing lumalabas ako nahihiya na ‘ko… malaking ‘hassle’

Umani pa ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang pangyayari na nakunan ng video.

“Mga walang galang!!!! Ito namang si Pia [Wurtzbach], mano man lang tumigil at nagbigay-galang! National Artist si Sir Ricky! At yung guard isa ka pa! Walang pakundangan mong hinawi si Sir Ricky!!!” inis na saad ng isang netizen.

“For sure hindi kilala ng marshal si Lee pero sana napagsabihan man lang ni Pia?” comment naman ng isa.

Sey naman ng isa pa, “Grabe yung hinawi lang si sir Ricky Lee. Unang una, may edad na sya, kung makahawi naman. Pngalawa, national artist sya! The disrespect!”

“Ginagawa lang naman ng guard ang trabaho niya,” sabi naman ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, “Baka naman nagmamadali si Pia, huwag kayong judgmental. Nakita naman na she recognized Mr. Ricky Lee. Baka yung guard ang may problema.”

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang MIBF maging si Pia hinggil sa isyu.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw mula sa kampo ng mga dawit sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ricky Lee pinanindigan ang prinsipyo sa pagpili ng Magic 8 sa MMFF

Maja Salvador, Hidilyn Diaz, Ricky Lee pasok sa 2023 Eastwood City Walk of Fame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending