Ex-Marikina Mayor Bayani Fernando pumanaw na sa edad 77
NAMAYAPA na ang dating mayor ng Marikina na si Bayani Fernando sa edad 77.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng kanyang mga kaibigan at dating mga katrabaho.
Isa sa mga nakiramay sa naiwang pamilya ng dating alkalde ay si Marikina 2nd District Representative na si Stella Quimbo.
Ayon sa kanyang Facebook post, “Taos-pusong pakikiramay sa pamilya Fernardo at buong bayan ng Marikina. Mananatili ang iyong legasiya sa Marikina nating mahal.”
“Salamat BF, ang ama ng Modernong Marikina, sa iyong paglilingkod,” wika pa niya.
Baka Bet Mo: Lovi inialay kay FPJ ang paglipat sa ABS-CBN: It makes me feel close to my father
Nagpahayag din ng pagluluksa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinamunuan dati ni Fernando noong termino ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
“The [MMDA] is deeply saddened and shocked about the sudden demise of former Chairman Bayani F. Fernando, who served the Authority from June 5, 2002 until November 25, 2009,” caption ng MMDA.
Paglalahad pa nila, “A mechanical engineer by profession, Chairman Fernando used scientific and practical approaches in his quest to solve the problems of Metro Manila.”
“A man of few words, Fernando is known to be a workaholic and a disciplinarian among MMDA employees,” menshae pa ng ahensya.
Unang naging alkalde ng Marikina si Fernando noong 1992 kung saan isa siya sa mga naging daan upang magkaroon ng pagbabago ang nasabing lugar, mula sa isang munisipalidad tungo sa isang modernong lungsod.
Taong 2002 naman nang maupo siya bilang chairman ng MMDA.
Bukod diyan ay tumakbo rin siya bilang vice presidential candidate noong 2010 national elections, ngunit siya ay natalo kay dating mayor ng Makati at dating vice president na si Jejomar Binay.
Read more:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.