Kiray naka-jackpot sa dyowa: 'Ang sarap magmahal kapag hindi ka stress sa partner mo, yung hindi dagdag sa alalahanin mo' | Bandera

Kiray naka-jackpot sa dyowa: ‘Ang sarap magmahal kapag hindi ka stress sa partner mo, yung hindi dagdag sa alalahanin mo’

Ervin Santiago |September 07,2023
facebook
share this

Kiray naka-jackpot sa dyowa: ‘Ang sarap magmahal kapag hindi ka stress sa partner mo, yung hindi dagdag sa alalahanin mo’

Ervin Santiago - September 07, 2023 - 07:54 AM

Kiray naka-jackpot sa dyowa: 'Ang sarap magmahal kapag hindi ka stress sa partner mo, yung hindi dagdag sa alalahanin mo'

Stephan Estopia at Kiray Celis

FEELING naka-jackpot ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis sa pagkakaroon ng dyowang tulad ni Stephan Estopia.

Muling ibinandera ng komedyana ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa longtime-boyfriend na itinuturing niyang isa sa mga biggest blessing na natanggap niya mula sa langit.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinahayag ni Kiray sa buong universe kung gaano siya kasuwerte sa pagdating ni Stephan sa kanyang life dahil bukod sa napakabait nito ay talagang mapagkakatiwalaan pa.

Sa caption na inilagay ni Kiray sa kanyang IG post, inilarawan niyang isang healthy relationship ang pagsasama nila ni Stephan at talagang araw-araw niya itong ipinagpapasalamat.

“Ang sarap magmahal kapag hindi ka stress sa partner mo. ‘Yung hindi siya dagdag sa alalahanin mo,” simulang mensahe ng komedyana.

Isa rin daw si Stephan sa nagsisilbing “charger” niya kapag nalo-lowbat dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa at inaatake na ng matinding pagod sa pagtatrabaho.

Baka Bet Mo: Kiray kay Stephan: Magmahal tayo, sumugal tayo, bumangon tayo, magpatawad tayo…

“Yung hindi na kailangan bantayan dahil alam niya yung tama at mali. ‘Yung kahit pagod ka na, mino-motivate ka niya magpatuloy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang sarap mag-stay sa relationship na hindi issue ang tiwala at hindi nauubos ang oras sa pagtatalo.

“Naka-focus lang kayo sa progress at success ng buhay niyong dalawa na magkasama,” pahayag pa ni Kiray.

Nauna rito, sa birthday greeting ni Kiray kay Stephan na idinaan din niya sa IG, umaasa siyang na pang-forever na ang pagmamahalan nila ng dyowa.

“Happy happy birthday, @stephan.estopia at advance happy Anniv! Going 4 years na tayo, Kaya alam kong 4ever nato! Ayiee!” ang mensahe ng komedyana para sa kanyang Mr. Right.

“Btw, sa CAMP IROG sa daraitan kami nagstay! Check niyo sila! Napaka relaxing at ang ganda ganda dito!” dugtong pa niya.

Bumuhos naman ang magaganda at positibong komento mula sa netizens at halos lahat ay nagsabing sana nga ay sila na ang magkatuluyan hanggang sa ending.

Iya pinatawad pa rin ni Drew kahit matindi ang kasalanan: Naka-jackpot ako sa asawa ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

GMA 7 naka-jackpot sa hot na hot na loveteam nina Derrick at Elle; Sanya tuloy ang laban kontra-bullying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending