GMA 7 naka-jackpot sa hot na hot na loveteam nina Derrick at Elle; Sanya tuloy ang laban kontra-bullying Bandera

GMA 7 naka-jackpot sa hot na hot na loveteam nina Derrick at Elle; Sanya tuloy ang laban kontra-bullying

Ervin Santiago |August 09,2022
share this

GMA 7 naka-jackpot sa hot na hot na loveteam nina Derrick at Elle; Sanya tuloy ang laban kontra-bullying

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 07:23 AM

Elle Villanueva, Derrick Monasterio at Sanya Lopez

NAKA-JACKPOT uli ang GMA 7 sa bago nilang panghapong teleserye, ang “Return To Paradise” na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

In fairness, kasisimula pa lamang nitong nagdaang linggo pero humataw na agad sa ratings game, bukod pa sa pag-trending nito sa social media.

Kaya naman tuwang-tuwa ang buong production ng serye lalo na sina Derrick at Elle na talagang mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens sa “Return To Paradise.

Bukod kasi sa intriguing story nina Red na ginagampanan ni Derrick at ni Eden played by Elle, nandiyan din ang mga pasabog na eksena ng nagbabalik-Kapuso at seasoned actress na si Eula Valdes bilang Amanda.

Sa pilot week nito noong nakaraang linggo ay bumuhos na agad ang positive feedback ng Kapuso viewers at netizens sa kakaibang kwento ng serye at performance ng cast members.

Komento ng isang avid viewer sa Facebook, masaya siyang mapanood si Derrick muli sa telebisyon at boto sila kay Elle bilang bagong kapareha nito.


“Isa sa mahusay na actor sa GMA, nice to see u again in a teleserye. Grabe halatang magpapakilig ang love team na to, bago pa lang pero may chemistry na. The best talaga mag-partner ang GMA,” reaksyon ng netizen.

Samantala, trahedya nga ba ang babago sa buhay nina Red at Eden? Mananaig ba ang pagmamahalan ng dalawa hanggang sa huli?

Abangan ang maiinit na eksena sa “Return To Paradise”, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “Apoy Sa Langit” sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Sanib-pwersa ang apat na Kapuso stars para sa pinakabagong offering ng Kapuso award-winning weekly anthology show na “Daig Kayo Ng Lola Ko” ngayong Agosto.

Tampok sa episode na pinamagatang “Madaldolls” sina Sanya Lopez bilang Bubbles, Ashley Ortega bilang Blondie, Rodjun Cruz bilang Super Stan at Hannah Precillas bilang Carrot.

Bibida rin sa makulay at magical episode na ito sina Tina Paner bilang Au, Crystal Paras bilang Luna, Vince Crisostomo bilang Zac, Lia Salvador bilang Rina at Roxie Smith bilang Steph.

Nitong Linggo, August 7, nakilala na ng Kapuso viewers si Rina na may-ari ng manikang si Bubbles. Itinuturing niya itong best friend na saksi sa nararanasang pambu-bully ni Rina.

Dahil affected si Bubbles sa mga nangyayari, biglang nabuhay ito na parang tao.

Paano magbabago ang buhay ni Rina ngayong nakapagsasalita at nakagagalaw na ang manika na kanya ring matalik na kaibigan?

Subaybayan ang fresh episodes ng “Daig Kayo Ng Lola Ko: Madaldolls” tuwing Linggo, 7 p.m., sa GMA 7.

Derrick Monasterio, Elle Villanueva parehong palaban sa hubaran; magpapainit sa ‘Return To Paradise’

Pagpasok noon ni Elle Villanueva sa showbiz hinarang: Noon ko pa gustong mag-artista pero strict ang parents ko

Derrick gustong maging katulad ni Hidilyn Diaz; super idol si Richard Gomez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending