Kiray umami sa naging tunay na relasyon nila ni Kirst Viray

Kiray may inamin tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Kirst Viray

Ervin Santiago |April 03,2024
facebook
share this

Kiray may inamin tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Kirst Viray

Ervin Santiago - April 03, 2024 - 07:14 AM

Kiray may inamin tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Kirst Viray

Kiray Celis at Kirst Viray

KINOREK ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis si Boy Abunda nang tawagin nitong “ex” niya hunk actor-model na si Kirst Viray.

Magkasama ngayon sina Kiray at Kirst sa latest Kapuso primetime series na “My Guardian Alien” na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

Sa guesting ni Kiray sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, nilinaw niya ang tunay na relasyon nila ng aktor dahil nga palagi silang napagkakamalan naging magdyowa noon.

Baka Bet Mo: Kiray Celis huminto sa pag-aaral, inuna ang pangangailangan ng pamilya

Natanong kasi ni Tito Boy si Kiray kung kumusta na sila ng kanyang “ex” lalo na ngayong nagkatrabaho uli sila. Sagot ng dalaga, “Hindi ko po siya ex! Tito Boy ha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Mabilis namang nag-sorry ang premyadong TV host kay Kiray.

Patuloy ni Kiray, “Ano lang, ex-workmate, pero hindi kami naging…wala po  (kaming naging relasyon).”

Ipinaalala naman ni Tito Boy ang naging interview niya noon kina Kiray at Kirst kung saan pareho nilang inamin na wala talaga silang awkwardness sa isa’t isa.

“Kasi para po talaga siyang katrabaho ko na naging kaibigan ko. Tapos noong padulo na, para ko na siyang kapatid. Sobrang bait ni Kirst, as in,” ani Kiray.

“So nothing romantic?” ang sundot na tanong ni Tito Boy sa komedyana.

“Sabi ko nga sa ‘yo Tito Boy, basta ‘pag sa trabaho, pera-pera talaga tayo,” ang natawang sey ni Kiray.

Baka Bet Mo: Kiray Celis ibinibigay sa mga magulang ang lahat ng kinikita sa showbiz: ‘Kung may raket-raket, ‘yun lang ang sine-save ko sa sarili ko’

“Noong time na nagte-trending kami, tapos in-offer-an kami ng malaki for a show, sabi ko ‘Let’s go!’” chika pa ni Kiray.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kirst Viray (@kirstviray)


Pag-amin pa ng Kapuso actress at social media influencer, hindi raw talaga niya trip ang mga lalaking nasa showbiz.

“Hindi po ako mahilig sa artista,” ang diretsahang sagot ni Kiray nang tanungin siya kung may pag-asa si Kirst kapag niligawan siya ng binata.

Marami ang nag-akalang naging magdyowa sina Kiray at Kirst dahil sa mga sweet photos nila sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, maligayang-maligaya si Kiray sa piling ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending