Heart tinawag na 'Madam' si Marian; Barbie, Kim proud 'Yes Girls'

Heart tinawag na ‘Madam’ si Marian; Barbie, Kim umaming mga ‘Yes Girls’

Ervin Santiago - April 02, 2024 - 07:00 AM

Heart tinawag na 'Madam' si Marian; Barbie, Kim umaming mga 'Yes Girls'

Heart Evangelista, Tim Yap at Marian Rivera

IKINATUWA ng mga fans ang ginawang pa-surprise ni Heart Evangelista para sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Binati kasi ng international fashion icon ang wifey ni Dingdong Dantes sa pamamagitan ng video message para sa pagsisimula ng bago nitong serye sa GMA 7, ang “My Guardian Alien.”

Nagsimula na kahapon, April 1 ang naturang GMA Prime series na magsisilbi ngang comeback teleserye Marian mkalipas ang maraming taon.

Baka Bet Mo: Marian nangapa sa muling pagsabak sa serye: Sabi nila echosera raw ako!

Makakasama ni Marian sa show sina Gabby Concepcion, Raphael Landicho, Gabby Eigenmann, Max Collins, Kiray Celis at marami pang iba mula sa direksyon ni Zig Dulay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap)


Marami ngang na-good vibes sa pag-congratulate ni Heart kay Marian sa pagbabalik nito sa primetime with “My Guardian Alien.”

“It gives me so much pleasure to congratulate you, Madam Marian, because finally, after many, many years, you are back where you belong, on GMA Prime,” ang simulang pagbati ni Heart kay Marian sa naturang video message.

“From my heart to yours, congratulations, and welcome back, Queen of Primetime,” aniya pa.

Iikot ang kuwento ng “My Guardian Alien” sa isang alien na may pangalang 11-1-20-8-5-22-9-12-5. Mapupunta siya sa Planet Earth matapos maganap ang isang accidental crash from outer space.

* * *

Kung may pagkakapareho sina Barbie Forteza at Kim Chiu, yan ay ang kanilang pagiging bungisngis at pagkakaroon ng bonggang-bongga energy!

Sa latest vlog ni Kim ay nakachikahan niya ang GMA Primetime Drama Princess, at isa nga sa mga naitanong sa dalaga ay kung may tinanggihan na siyang project or role.

Baka Bet Mo: Marian, Dingdong ipapasyal sa zoo sina Zia at Sixto ngayong Holy Week

Sagot ni Barbie, “Tayo magre-refuse?” Sabay dialogue nila ng, “No!”

“Kaya lagi niyo po kami nakikita! We are the yes girls,” sey ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Dagdag naman ni Barbie, “Siguro kapag hindi lang appropriate ‘yung material, ‘yung parang, ‘hindi ko pa to gagawin at this moment.’”

Sey pa ni Barbie hindi talaga siya morning person pero keribels niyang mag-adjust para sa trabaho. Kaya niyang sumunod sa maagang calltime kapag may shooting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Very soon ay mapapanood uli si Barbie upcoming primetime series na “Pulang Araw” kung saan makakatambal niya uli ang kanyang ka-loveteam na si David Licauco, sina Alden Richards at Sanya Lopez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending