Heart Evangelista ibinandera ang pagka-‘miss’ kay Chiz Escudero
MUKHANG lalong naging sweet sa isa’t-isa ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero mula nang mag-renew sila ng kanilang wedding vows.
Sa recent social media post, tila ipinagsigawan ng fashion icon sa buong universe kung gaano niya nami-miss ang mister dahil ilang araw na niya itong hindi nakakasama.
Sa Instagram, ibinandera ni Heart ang throwback video nila ni Chiz na kinunan habang sila ay nasa Paris.
Mapapanood ang bonggang pagrampa ng dalawa suot ang tila twinning nilang stylish outfits.
Baka Bet Mo: Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?
“Trouble becomes a friend with this one around [white heart emoji],” sey sa caption ng aktres.
Ani pa niya sa IG post, “The moral compass, our king of wisdom and my greatest supporter. Missing you dearly, Chiz [white heart emoji] Few more days! [white heart emoji]”
View this post on Instagram
Base sa hiwalay na posts, si Heart ay abala sa kanyang out-of-the-country business trips.
Makikita na nagtungo siya sa Hong Kong upang dumalo sa isang art exhibit at kalaunan ay lumipad naman papuntang Thailand.
View this post on Instagram
Taong 2015 nang unang ikinasal ang mag-asawa at noong Pebrero lamang nang mag-renew sila ng wedding vows na ginanap sa Balesin Island.
Agaw-pansin sa recent wedding ng dalawa ang masayang bonding ng ina ni Heart na si Cecilia Ongpauco kasama si Chiz.
Maraming netizens ang natuwa sa magbiyenan dahil kitang-kita na nagkaayos na sila.
Kung maaalala noong 2013, nagkaroon ng hidwaan ang fashion icon at ang kanyang mga magulang dahil sa relasyon niya kay Chiz na inilarawan noon ni mommy Cecilia bilang isang “manipulative opportunist.”
Pero ilang buwan matapos ang kasal ng mag-asawa noong 2015 ay nagkabati naman ang dating aktres at ang kanyang mga magulang.
“A living testament that time heals all wounds. What a lovely moment to see!” masayang pahayag ng socialite sa dating IG post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.