Marco Gumabao umamin, Nguya Squad nauwi sa 'falling out' ang friendship: It's not also my position to talk about it | Bandera

Marco Gumabao umamin, Nguya Squad nauwi sa ‘falling out’ ang friendship: It’s not also my position to talk about it

Therese Arceo |September 06,2023
facebook
share this

Marco Gumabao umamin, Nguya Squad nauwi sa ‘falling out’ ang friendship: It’s not also my position to talk about it

Therese Arceo - September 06, 2023 - 07:30 AM

Marco Gumabao umamin, Nguya Squad nauwi sa 'falling out' ang friendship: It's not also my position to talk about it

INAMIN ng aktor na si Marco Gumabao na talagang nagkaroon ng problema sa pagitan ng kanyang mga kaibigan sa Nguya Squad.

Sa kanyang interview kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli, nausisa ang binata ukol sa kanyang mga naging kaibigan.

Kasama ni Marco sa Nguya Squad sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ria Atayde, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Patrick Sugui, Aerielle Garcia, Dominic Roque, Joe Vargas, at Bianca Yanga.

Pag-amin ng aktor, nagkaroon talaga ng problema sa pagitan ng kanyang mga kaibigan na nagresulta sa paghihiwalay ng landas ng mga ito.

“Ako kasi hindi ako nakikisama sa nga problema-problema ng mga kaibigan. Of course, nagkaroon ng falling out between sa kanila. I mean normal naman ata sa magkakaibigan ‘yun,” pagbabahagi ni Marco.

Sa kabila ng hindi pagkakaunawaan ng iba niyang mga kaibigan ay sinabi nitong wala siya sa posisyon para magsalita ukol rito.

“Pero ako sa totoo lang, hindi ako nakikialam sa kanila. Wala akong problema sa kahit sino sa kanila. It’s not also my position to talk about it. Pero hindi naman siya sa big deal na sobra pero yeah, nagka-falling out. Ako for me, wala ako sa gulo na ‘yun,” pagpapatuloy pa ni Marco.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao ramdam na si Cristine ang kanyang ‘the one’: Hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita ang tao for the end game

May nararamdaman ring panghihinayang si Marco lalo na’t solid talaga ang kanilang pagkakaibigan ngunit tanggap rin niya may mga pagkakaibigang minsan ay dumaraan sa pagsubok.

“Of course, oo. Kasi kami ‘yung solid na solid ever since before, ‘di ba? Nakakalungkot na may mga times na— ganu’n talaga e. Sa barkada hindi talaga nakukumpleto or may times na nagkaka-falling out.

“So ‘yun ‘yung mga times na nakakalungkot kasi, ako bilang kaibigan gusto ko lahat tayo happy. Gusto ko lahat tayo walang problema,” lahad ni Marco.

Aniya, hindi rin naman pwedeng diktahan ang kanyang mga kaibigan kung ano ang dapat maging reaksyon o emosyon ng mga ito sahil may kanya-kanyang feelings ang bawat isa.

“Hindi naman pwedeng masabi sa mga tao na ‘O kalimutan mo na lang yung ganitong nagawa ni ganito o yung ganitong nagawa ni ganyan’, di ba?

“May kanya-kanyang feelings yan. May kanya kanyang feelings na may mga mahu-hurt, may masasaktan and you can’t tell people to ‘Huwag mong maramdaman ‘yung feeling na ‘yan kasi sila ‘yun e,” sabi pa ni Marco.

Umaasa naman ang binata na darating ang panahon na magkabati nang muli ang kanyang mga kaibigan at babalik rin ang dati nilang pagkakaibigan.

“Of course, I mean sana, magkaayos kasi hindi naman siya sikreto, ‘di ba? Kumbaga it’s an open secret na ganu’n. But yeah, for me, sana magkaayos lahat,” sey pa ni Marco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Marco Gumabao nabiktima ng matinding pambu-bully sa school nang makulong ang amang si Dennis Roldan, gumanti ba siya?

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending