Rabiya Mateo ibinandera ang unang bahay at sasakyan: Reminding everyone, not to be scared to dream big! | Bandera

Rabiya Mateo ibinandera ang unang bahay at sasakyan: Reminding everyone, not to be scared to dream big!

|August 29,2023
facebook
share this

Rabiya Mateo ibinandera ang unang bahay at sasakyan: Reminding everyone, not to be scared to dream big!

- August 29, 2023 - 06:59 PM

Rabiya Mateo ibinandera ang unang bahay at sasakyan: Reminding everyone, not to be scared to dream big!

SUPER happy ang beauty queen-actress na si Rabiya Mateo dahil unti-unti na niyang natutupad ang kanyang mga pinapangarqp noon.

Sa kanyang social media accounts ay ibinandera niya ang larawan kasama ang kanyang unang sasakyan at bahay na bunga ng kanyang pagtatrabaho.

“Power of manifestation. With my first car and first house,” saad ni Rabiya.

Pagpapatuloy pa niya, “Three years ago this seems to be impossible but this is the result of countless prayers and hard work. Reminding everyone, not to be scared to dream big!”

Kuha ang larawan sa hometown ni Rabiya sa Iloilo.

Matatandaang noong January 2023 nag unang ipinasilip ng dalaga ang kanyang nabiling bahay sa pamamagitan ng kanyang Instagram reels.

Baka Bet Mo: Jeric Gonzales nagulat sa pa-surprise ni Rabiya Mateo: I love you to the moon and back

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hey guys, nandito ako ngayon sa labas ng kakabili kong bahay para sa pamilya ko sa Iloilo,” pagbabahagi ni Rabiya.

Emosyonal pa nga ang actress-beauty queen habang binabalikan ang buhay noon.

Kuwento pa ni Rabiya, “And actually medyo… I’m kinda getting emotional kasi parang, looking back then. Parang it was so impossible for us to have a property kasi nagre-rent lang kami.

“Tapos no permanent address din. Nakailang-lipat na din ng bahay. God has been so good to me and my family. At sa lahat ng blessings na pumasok talaga, God is so good.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ang kanyang sasakyan naman ay nakuha ni Rabiya noong magwagi siya bilang Miss Universe Philippines 2020.

Related Chika:
Rabiya patuloy ang paghahanap sa ama: ‘Wala naman po akong kailangan sa kanya, I have money na and naka-provide na ako sa family ko’

Rabiya Mateo bumanat sa basher na tumawag sa kanya ng ‘chipangga’: Pasensya na po, pero I will never be somebody like you…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending