Rabiya Mateo bumanat sa basher na tumawag sa kanya ng 'chipangga': Pasensya na po, pero I will never be somebody like you... | Bandera

Rabiya Mateo bumanat sa basher na tumawag sa kanya ng ‘chipangga’: Pasensya na po, pero I will never be somebody like you…

Ervin Santiago - November 30, 2022 - 07:46 AM

Rabiya Mateo bumanat sa basher na tumawag sa kanya ng 'chipangga': Pasensya na po, pero I will never be somebody like you...

Rabiya Mateo

INALMAHAN at binuweltahan ni Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso star  Rabiya Mateo ang pambabastos sa kanya ng isang basher sa social media.

Sabi ng TV host-actress, hindi raw talaga siya masyadong pumapatol sa mga trolls at haters sa socmed kahit pa nga below the belt na ag pagtira sa kanya.

Sanay na raw kasi siya sa mga pang-ookray at panlalait sa kanya ng mga tao na nagsimula pa noong sumali siya sa Miss Universe Philippines at sa Miss Universe pageant

Kadalasan daw ay dinededma at pinalalagpas na lamang niya ang mga ito pero aniya, tao lang din siya na nasasaktan at naaapektuhan. Tulad na lang ng pagtawag sa kanya ng isang netizen sa kanya ng “cheap”.

Sinagot ito ni Rabiya sa pamamagitan ng isang TikTok video, “Replying to @Ginzcorz In a world full of bullies, be kind.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


“You know what, madam, miss or, hindi ko alam kung paano kita i-aaddress.

“You know what, you can be the most expensive-looking person but if you’re mean or rude, or the way you think or talk to people is not right, I don’t think na I want to be somebody like you,” ang mensahe ng dalaga sa basher.

Dugtong pa niya, “Ako, I’m proud of myself. I’m proud kung paano ako manamit, kung paano ako magsalita, kung paano ako makikapwa tao.”

Paglilinaw pa ng Kapuso actress at TV host, hindi niya hinihiya ang basher dahil sa edad nito, kundi sa panlalait sa kanyang pagkatao.

“At baka isipin n’yo po na sini-shame ko kayo because of your age, but hindi po ganon. But I hope, sa edad n’yo pong ‘yan, marami na kayong natutunan sa buhay.

“And you should be a good example to your family, to your kids, to your apo kung meron ka na po. Dahil hindi ganyan dapat mag-act sa social media,” mariin pang paalala ni Rabiya sa nasabing hater.

Aniya pa, wala raw siyang magagawa kung chipangga ang tingin sa kanya ng basher pero never daw siyang bababa sa level nito.

“Marami na po kayong pinagdaanan sa buhay, I’m sure of that. And sana you chose to be a good person na makaka-inspire ng ibang tao, ‘di ba?

“Pero sige, bigay ko na lang po ‘yon sa inyo. If I look cheap, pasensya na po. Pero I will never be somebody like you,” ang pahabol pang mensahe ni Rabiya sa laiterang netizen.

Rabiya Mateo nag-iipon para makapunta sa US: Gusto ko talagang hanapin doon ang tatay ko

Rabiya Mateo ayaw na ayaw ng dinuguan; muntik maputol ang dila dahil sa…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rabiya Mateo malalim ang hugot; may konek kaya sa relasyon nila ni Jeric Gonzales?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending