Rabiya Mateo nag-iipon para makapunta sa US: Gusto ko talagang hanapin doon ang tatay ko | Bandera

Rabiya Mateo nag-iipon para makapunta sa US: Gusto ko talagang hanapin doon ang tatay ko

Ervin Santiago - July 25, 2022 - 07:43 AM

Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hashmi at Rabiya Mateo

BUHAY na buhay pa rin ang pag-asa ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na darating ang araw na magkikita at makikilala niya ang kanyang ama.

Kaya raw siya nagsisipag at nagsusumikap nang todo sa pagtatrabaho ay para makaipon at makapunta sa Amerika para hanapin ang tunay niyang tatay.

Naniniwala ang Kapuso TV host-actress na mahahanap rin niya ang amang Indian-American na si Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hashmi na naninirahan daw ngayon sa US.

“You know what, I really wanna look for him kaya isa rin ‘yun sa goal ko kaya I wanna save money talaga kasi I really wanna go to the US, to Chicago, for him ’cause I know he’s not getting any younger and ayoko magkaroon ng regrets sa buhay ko na I didn’t try,” pahayag ni Rabiya sa latest episode ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Dagdag pa ng dalaga, “He has always been my source of inspiration na gagalingan ko, na pagbubutihin ko na lapag nakita niya ko, sasabihin niya, ‘kahit pinabayaan ko ‘yan she turned out to do well sa buhay.’ And wala, mahal ko talaga ‘yung daddy ko. I really love him.”

Nabanggit din ng Kapuso star at host ng bagong Kapuso morning show na “TiktoClock” na never siyang nagalit sa ama kahit iniwan sila nito noong bata pa lang siya.

“Overall, wala akong bitterness sa heart ko towards him kasi I know kahit masakit, iniwan n’ya kami, may rason siya and actually ‘di ko na kailangan marinig kung ano ‘yung rason na ‘yon.

“Gusto ko lang malaman kung okay siya, safe siya at kung kailanga n’ya ko bilang anak, I’m gonna be there to serve him despite na iniwan n’ya ko at saka ‘yung kapatid ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


“My mom didn’t say anything about my dad, wala talaga kaya parang gano’n din ako kaya minsan si Mama sinasabi, ‘o baka magkita pa kami ng daddy n’yo.’ Parang ganu’n s’ya, parang ‘di rin siya nagko-close ng doors,” sabi pa ni Rabiya.

Wala ring masyadong alam ang beauty queen tungkol sa kanyang foreigner na ama kaya nahihirapan siyang hanapin ito kahit sa pamamagitan lang ng social media.

“I have photos of us pero I was still a baby during that time. I have his name, his birthday, pero I don’t have the exact address.

“All I know is, what 19 years ago, parang the last time he was in Chicago, Illinois. I have no idea talaga but I know he’s a doctor, ‘yung Mama ko, ‘di pa uso ang ghosting, na-ghost na ‘yung Mama ko,” kuwento pa ni Rabiya sa nasabing interview.

Kahit daw noong sumali at lumaban siya sa Miss Universe 2020, na ginanap sa Florida, USA, ay wala siyang natanggap na kahit anong message tungkol sa ama.

“Nobody messaged me with his name pero, ako in my heart, alam ko na magkikita kami ng dad ko and ‘pag nangyari ‘yon wala talagang bitterness in my heart talagang yayakapin ko lang talaga s’ya and mamahalin ko ‘yung tatay ko nang buong-buo,” sabi ng ex-girlfriend ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales.

Ito naman ang mensahe ni Rabiya sa tatay niyang Indian-American, “I hope that you are okay, that you are doing very well and if you need somebody, daddy, if you need me, I’m just here. I’m waiting for you.”

Samantala, simula ngayong umaga, July 25, bago mag-“Eat Bulaga”, mapapanood na si Rabiya kasama sina Pokwang at Kim Atienza bilang hosts ng bagong original variety show ng GMA na “TiktoClock”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289263/rabiya-mateo-ayaw-na-ayaw-ng-dinuguan-muntik-maputol-ang-dila-dahil-sa
https://bandera.inquirer.net/294607/rabiya-kumpirmadong-magiging-kapuso-na-nag-explain-kung-bakit-napaluhod-sa-final-walk
https://bandera.inquirer.net/288641/mag-aaral-ako-magluto-para-hindi-ako-isauli-ng-asawa-ko-sa-tatay-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending