Rabiya Mateo malalim ang hugot; may konek kaya sa relasyon nila ni Jeric Gonzales? | Bandera

Rabiya Mateo malalim ang hugot; may konek kaya sa relasyon nila ni Jeric Gonzales?

Ervin Santiago |May 30,2022
facebook
share this

Rabiya Mateo malalim ang hugot; may konek kaya sa relasyon nila ni Jeric Gonzales?

Ervin Santiago - May 30, 2022 - 07:37 AM

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

HIWALAY na nga ba sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ang Kapuso hunk actor na si Jeric Gonzales?

Yan ang nagkakaisang tanong ng mga netizens nang mabasa nila ang hugot ng Pinay beauty queen tungkol sa kanyang “pagtitiis” na raw hindi niya deserve.

Kahapon, May 29, nag-post sa kanyang Instagram account ang dalaga ng isang art card na may malalim na mensahe at ang paniwala ng kanyang supporters, mukhang may personal na pinagdadaanan ang Kapuso star.

Ang nakasaad na quote sa kanyang post, “I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn’t deserve. Good night (heart emojis).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Sunud-sunod ang comments na natanggap ni Rabiya ilang sandali lamang matapos niyang ibahagi ang nasabing quote card, kabilang na riyan ang mga mensahe mula sa mga kapwa niya beauty queens.

Sabi sa kanya ng kaibigang si Miss Universe Philippines 2020 candidate Mariel Pascua, “Love you, ibyang!!!! Hugs and see you.”

Sinagot siya ni Rabiya ng crying emoji at ng mga katagang, “I need you Ma! Sobra! See you tom.”

Komento naman ni Miss Universe 2020 third runner-up Adlene Casteleno ng India  “I love you Rabiya (heart emoji) you are the strongest I’ve known.” Na nireplayan ng beauty queen-turned-actress ng “Thank you my Desi sister (crying emojis).”

Sabi ng isa pa niyang kaibigan na si Krish Halili ang nagsabing, “Talk to me whenever, ibyang.” Tugon ni Rabiya, “We need an army. Hahahaha.”

Ito naman ang reaksyon ng isang fan ni Rabiya, “Mas mabuti ng nalaman mo ngayon pa lang ang katotohanan. At least hindi na pinatagal ang agony mo. That’s life ang mahalaga makabangon agad after matumba.”

Wala namang nabanggit si Rabiya kung tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Jeric ang bago niyang hugot o kung ito’y may koneksyon sa trabaho o pamilya.

Four days ago ay nag-post pa ang dalaga ng sweet photo nila ni Jeric together sa kanyang IG account.

Matatandaang noong March 16, 2022 nang ibandera nina Rabiya at Jeric sa publiko ang kanilang relasyon. Ito yung time na  nagbakasyon sila nang ilaw araw sa Bohol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkakilala at naging close sa isa’t isa ang dalawang Kapuso stars nang magkasama sa isang episode ng “Wish Ko Lang” hosted by Vicky Morales.

Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagkakamabutihan na nga ba?

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales magdyowa na, sweet na sweet sa Bohol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending