Vivamax Queen Azi Acosta puring-puri ni Jaclyn Jose sa 'Call Me Alma'; palaban sa hubaran, halimaw din sa aktingan | Bandera

Vivamax Queen Azi Acosta puring-puri ni Jaclyn Jose sa ‘Call Me Alma’; palaban sa hubaran, halimaw din sa aktingan

Ervin Santiago |August 28,2023
facebook
share this

Vivamax Queen Azi Acosta puring-puri ni Jaclyn Jose sa ‘Call Me Alma’; palaban sa hubaran, halimaw din sa aktingan

Ervin Santiago - August 28, 2023 - 07:36 AM

Vivamax Bombshell Azi Acosta puring-puri ni Jaclyn Jose sa 'Call Me Alma'; palaban sa hubaran, halimaw din sa aktingan

Azi Acosta at Jaclyn Jose

PINALAKPAKAN at pinuri-puri ang mga bida sa latest offering ng Vivamax na “Call Me Alma”, partikukar na sina Azi Acosta at Gold Aceron sa naganap na special screening sa Viva Café kamakailan.

Ang “Call Me Alma” ay isinulat ni Ricky Lee mula sa direksyon ni Mac Alejandre at mapapanood na sa number one streaming app sa bansa na Vivamax simula sa September 1. Kasama rin nila rito ang mga award-winning veteran stars na sina Jaclyn Jose at Mon Confiado.

In fairness, siguradong ikaka-shock ng mga manonood ang ginawang paghuhubad at pakikipagkangkangan ni Azi sa movie pero more than that, pinatunayan din ng Vivamax Bombshell na marunong din siyang umarte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Azi Acosta (@azi.acosta)


Pwedeng-pwede na talaga siyang tawaging bagong Vivamax Queen kahilera sina Angeli Khang at AJ Raval na sandamakmak na pelikula na rin ang nagawa for Viva.

Kaya naman after ng special screening ng “Call Me Alma” na nauna nang pinalakpakan sa Cinemalaya Film Festival 2023 ay natanong si Direk Mac kung paano niya ikukumpara sina Azi at Angeli na isa sa mga unang naging artista niya sa Vivamax.

“Mahirap mag-compare kasi pareho silang magaling. Si Angeli, gumalaw lang ang ulo, madrama na. I think there’s more levity in Azi.

“Dito sa ‘Call Me Alma’, it starts light but we go into heavy drama once Jaclyn Jose enters the picture. At puring-puri ni Jaclyn si Azi na talagang hindi nagpahuli sa mga eksena nila,” ani Direk Mac.

Baka Bet Mo: Alma Concepcion pinayuhan si Herlene Budol para mas lumakas ang laban sa Bb. Pilipinas 2022

Kuwento pa ng premyadong direktor tungkol sa pagkakabuo ng kuwento ng pelikula, “I told Ricky Lee gumawa kami tungkol sa isang mag-inang parehong p*ta.

“But ‘yung nanay, she did it dahil sa kahirapan, and ‘yung anak, she did kasi she chose it, gusto lang niya. Si Azi ang napili namin as the daughter and as the mom, we said we should get an actress na dating sexy star then naging serious actress, at si Jaclyn nga ‘yun. And we were right, kasi in their scenes together, parehong napakahusay nina Jaclyn at Azi,” aniya.

Kaya naman sa pagpasok ng Ber months, abangan si Azi Acosta na maging strong independent woman na gagawin ang lahat para makuha ang kahit na ano at higit pa sa gusto niya sa “Call Me Alma”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Azi Acosta (@azi.acosta)


Taong 1999, lahat ay balisa sa bagong millennium at nangangamba na baka mag-end of the world na sa pagdating ng taong 2000. Pero sa gitna ng gulo at pag-aalala, isang dalaga mula sa Maynila ang patuloy na nagsisikap at hindi sumusuko sa mga pangarap niya.

Kilalanin si Alma (Azi), isang prostitute sa isang high-end club. Dahil walang magulang at walang nagsusustento sa kanya, natutunan nang suportahan ni Alma ang sarili sa tulong ng pagtatrabaho niya sa club.

Marami na siyang nakilala at napaligayang mga lalaki, pero may tatlong regular customers si Alma na nagkaroon pa ng sarili nitong mga nickname, sina Tiger Joe, Kabayo, at Puppy Dog.

Si Tiger Joe ay si Mr. Lopez (Mon Confiado), isang mayamang abogado na may pagkasadista at mahilig sa role-playing kapag kinakama si Alma. Si Kabayo naman ay si Mr. JC (Josef Elizalde), isang bank executive na kilala dahil sa malaki nitong ari, at si Puppy Dog naman ay si Miguel (Gold Aceron), isang estudyante na nahulog ang loob kay Alma at naikakama rin ang dalaga kahit na hindi nagbabayad.

Sa dami ng pera na kinikita niya at nakukuha niya mula sa iba’t ibang lalaki, komportable at kampante nang namumuhay si Alma, pero magugulo ito sa pagdating ni Sheila (Jaclyn), ang babaeng magpapakilala na siyang tunay niyang ina.

Magpapaliwanag si Sheila at susubukang makipag-ayos kay Alma, pero hindi siya papakinggan nito, hindi niya kinailangan ng ina noon, at mas lalong hindi na niya ito kailangan ngayon.

Mapatawad at matanggap pa kaya ni Alma si Sheila? Bakit nga ba nagbalik si Sheila? Makatulong kaya si Sheila na mabuo ang pagkatao ni Alma?

Magbago pa kaya ng trabaho si Alma at hindi na maging prostitute? O habambuhay siyang matatali sa club at sa bihag nina Tiger Joe, Kabayo, at Puppy Dog?

Yan ang dapat n’yong panoorin sa “Call Me Alma” kung saan kasama rin sina Josef Elizalde, Aiko Garcia at Richard Solano. Streaming na yan exclusively sa Vivamax simula ngayong September 1.

Korona nina AJ Raval at Angeli Khang bilang Vivamax Queen naagaw na ni Azi Acosta; 2 pinagbidahang pelikula pasok sa Top 3

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vivamax bombshell Azi Acosta ginulat ang press, ‘naglabas’ ng boobs sa loob ng sinehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending