Vivamax bombshell Azi Acosta ginulat ang press, 'naglabas' ng boobs sa loob ng sinehan | Bandera

Vivamax bombshell Azi Acosta ginulat ang press, ‘naglabas’ ng boobs sa loob ng sinehan

Ervin Santiago |December 06,2022
facebook
share this

Vivamax bombshell Azi Acosta ginulat ang press, ‘naglabas’ ng boobs sa loob ng sinehan

Ervin Santiago - December 06, 2022 - 04:10 PM

Vivamax bombshell Azi Acosta ginulat ang press, 'naglabas' ng boobs sa loob ng sinehan

Azi Acosta

AGAW-EKSENA ang baguhang Vivamax sex siren na si Azi Acosta sa naganap na private screening ng kanyang launching movie na “Pamasahe” kagabi sa Gateway Cineplex.

Grabe naman kasi ang kanyang OOTD last night na ikinawindang ng mga dumalo sa event, lalo na ng mga kalalakihang napanganga talaga nang makita siya up close and personal.

Nakasuot ng super long red gown si Azi na nakalabas ang isang bahagi ng kanyang boobs na ang tanging natatakpan lamang ay ang kanyang nipple.

Ayon kay Azi, ang veteran actress at dati ring sexy star na si Rosanna Roces ang peg niya sa pagsusuot ng pasabog na outfit at sana raw ay nabigyan niya ito ng justice.

In fairness, kering-keri naman ng dalaga ang kanyang paandar at shocking OOTD na siguradong gagawa ng ingay sa social media.

Samantala, puring-puri rin ng mga miyembro ng media na nanood sa naganap na private screening ng “Pamasahe” si Azi dahil sa natural na natural na akting niya sa movie.

Pak na pak daw sa kanya ang ibinigay na materyal ng Viva for her launching film kung saan nakasama niya sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Shiena Yu, Julio Diaz, Shirley Fuentes, Erlinda Villalobos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Azi Acosta (@_azi.acosta)


Very proud din sa kanya ang cult director na si Roman Perez, Jr. dahil talagang ibinigay nga niya ang lahat-lahat para sa kanyang launching film. At makikita nga ito sa kabuuan ng pelikula, lalo na sa rape scene.

Ang “pamasahe” ay nangangahulugan ng dalawang bagay: perang dapat ibayad sa pampublikong transportasyon, o isang pakiusap para sa serbisyong masahe, tulad ng pagsabi ng “Paki masahe ako.”

Dito iikot ang pelikulang “Pamasahe”. Kilalanin si Lineth (Azi) isang inang mula sa probinsya ng Negros. Matapos masalanta ng bagyo ang kanilang lugar, siya ay babyahe patungong Maynila, bitbit ang saggol na anak, para hanapin ang kanyang asawa.

Isang kapuspalad at walang pera upang ipambayad sa barkong kanyang sinakyan, mauuwi siya sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kalalakihan.

Habang naglalakbay, ibabahagi niya ang kanyang masalimuot na istorya. Sa dami ng kanyang kwento sa buhay, alin kaya ang katotohanan at dapat paniwalaan?

“Ano pa ang dapat niyang gawin para marating ang nais niyang paroonan? Sino sa mga taong makakasama ang dapat pagkatiwalaan?

Maganda ang pagkakabuo ni Direk Roman sa bago niyang pelikula at masasabi namin na kapag nagtuluy-tuloy ang magagandang proyekto ni Azi sa Viva, siguradong malayo rin ang mararating niya tulad ni Rosanna Roces.

At in fairness, nagustuhan namin ang ending ng “Pamasahe” na mapapanood na simula sa December 9, sa Vivamax.

Anak ng pastor sumabak na rin sa paghuhubad, nag-sorry: Pasensiya na lang po kasi ito ang pinili kong work

Hirit ni Ogie kay Willie: Parang hindi siya marunong tumanggap ng negativity o constructive criticism

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gabby Concepcion game na game sa part 3 ng serye nila ni Sanya Lopez; pak na pak na title…’First Family’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending