Anak ng pastor sumabak na rin sa paghuhubad, nag-sorry: Pasensiya na lang po kasi ito ang pinili kong work
MAY bago na namang pasisikating sexy star ang Vivamax sa katauhan ni Azi Acosta na bibida sa latest movie ni Roman Perez, Jr. na “Pamasahe.”
Ang “pamasahe” ay nangangahulugan ng dalawang bagay: perang dapat ibayad sa pampublikong transportasyon, o isang pakiusap para sa serbisyong masahe, tulad ng pagsabi ng “Paki masahe ako.”
Kilalanin si Lineth na gagamapanan nga ni Azi, isang inang mula sa probinsya ng Negros. Matapos masalanta ng bagyo ang kanilang lugar, siya ay babyahe patungong Maynila, bitbit ang saggol na anak, para hanapin ang kanyang asawa.
Isang kapuspalad at walang pera upang ipambayad sa barkong kanyang sinakyan, mauuwi siya sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kalalakihan.
Habang naglalakbay, ibabahagi niya ang kanyang masalimuot na istorya. Sa dami ng kanyang kwento sa buhay, alin kaya ang katotohanan at dapat paniwalaan?
Ano pa ang dapat niyang gawin para marating ang nais niyang paroonan? Sino sa mga taong makakasama ang dapat pagkatiwalaan?
View this post on Instagram
Ito ang unang pagkakataong bibida sa pelikula si Azi na naging bahagi na ng mga Vivamax Original na “Sitio Diablo” at “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili”, na idinirek din ni Roman Perez, Jr.
Hinangaan din siya sa “Selina’s Gold” ni McArthur C. Alejandre at sa sexy drama series na “An/Na” ni direk Jose Javier Reyes. Kapuri-puri ang dedikasyon ni Azi sa kanyang trabaho at madali itong matuto kaya hindi nakapagtatakang binigyan na siya ng pagkakataon para maging bida.
Kuwento ng dalaga, “I started po as a model. Then my designer took me to Viva and introduced me to Boss Vic del Rosario. I first appeared as a model in ‘Ang Babaeng Nawawala sa Sarili’ then isinama ako sa ‘Sitio Diablo’.”
Papuri naman sa kanya ni Direk Roman, “She’s very intelligent. Maraming nakapansin agad sa husay niyang umarte. Ibang prototype siya ng Vivamax girls.
“Kahawig siya ni Joyce Jimenez and as a model in ‘Babaeng Nawawala sa Sarili’, may anggulo siyang Alice Dixson. At sa workshop pa lang, napakagaling na niya. Parang hindi siya baguhan. Iba ang magic niya and in this movie, she really delivers sa journey ni Lineth at ang mga pagsubok na pinagdaanan nito on her way to the city.”
Sey ni Direk Roman, base ang kuwento ng “Pamasahe” sa tunay na pangyayari, “It’s derived from the story of a Badjao girl na nag-stow away sa barko then ni-rape pala siya.
“Pagdating niya sa Manila, she doesn’t even know how to speak Tagalog and eventually, naging prostitute siya. It has socio-political undertones and we want the viewers to be agitated as what it shows is really happening in real life,” aniya pa.
Si Mark Anthony Fernandez ang leading man ni Azi sa movie, “Noong una, intimidated ako kasi mas senior siya, pero napakabait pala ni Kuya Mark.
“Marami siyang tips na ibinibigay sa akin kung paano namin dapat gawin ang eksena at kung paano mas effective na pagbabato ng dialogue ang dapat kong gawin.
“I’m really grateful na siyang nakasama ko rito kasi he’s a big help sa akin dahil napakabigat talaga ng character ni Lineth. I really felt her at nahirapan ako talagang i-release yung character niya after the shoot,” sey ni Azi.
Ano ang reaction ng parents niya sa kanyang pagpapaseksi? “My father is a preacher but he’s not with us anymore, so anuman ang magiging reaction niya, pasensiya na lang po kasi ito ang pinili kong work.
“Pangarap ko talaga kasi maging artista. Ang mama ko naman, okay lang daw sa kanya kasi makikita lang nila, hindi naman nila makukuha. But when she saw ‘yung scene sa ‘Selina’s Gold’ na nire-rape ako, sabi niya, tumigil na lang daw ako kasi napaiyak siya. Magbalik na lang daw ako sa pag-aaral,” dagdag ng sexy star.
Kasama rin sa “Pamasahe” sina Julio Diaz, Shirley Fuentes, Erlinda Villalobos, Vino Gonzales, Rash Flores, Shiena Yu, Joanna David, Apple Castro, Chad Solano at AJ Oteyza. Mapapanood na ito sa December 9 sa Vivamax.
Diego Loyzaga tuloy ang pagpapa-yummy: Salmon lang or chicken breast ang kinakain ko
Direk Roman Perez umaming certified ‘Marites’: Yes, tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.