Korona nina AJ Raval at Angeli Khang bilang Vivamax Queen naagaw na ni Azi Acosta; 2 pinagbidahang pelikula pasok sa Top 3 | Bandera

Korona nina AJ Raval at Angeli Khang bilang Vivamax Queen naagaw na ni Azi Acosta; 2 pinagbidahang pelikula pasok sa Top 3

Ervin Santiago |June 07,2023
facebook
share this

Korona nina AJ Raval at Angeli Khang bilang Vivamax Queen naagaw na ni Azi Acosta; 2 pinagbidahang pelikula pasok sa Top 3

Ervin Santiago - June 07, 2023 - 07:39 AM

Korona nina AJ Raval at Angeli Khang bilang Vivamax Queen naagaw na ni Azi Acosta; 2 pinagbidahang pelikula pasok sa Top 3

Angeli Khang, Azi Acosta at AJ Raval

SORRY na lang sa mga palabang sexy stars na sina AJ Raval at Angeli Khang dahil laglag na sila bilang mga reyna ng Vivamax.

Meron na kasing nakaagaw ng titulo at korona nila bilang “Vivamax Queen” — yan ay walang iba kundi ang equally-sexy at wala ring takot sa paghuhubad at pakikipag-sex scene na si Azi Acosta.

Iyan ang naging rebelasyon ng mga bossing ng Viva Entertainment sa ginanap na presscon para sa selebrasyon ng Vivamax matapos nitong maabot ang mahigit 7 million subscribers.

Sa nasabing event, natanong si Vincent del Rosario ng Viva Communications kung sino na ngayon ang nagrereyna sa kanilang streaming app na Vivamax.

 Baka Bet Mo: Angeli Khang kabado pa ring magbuyangyang: Never naman naging madaling maghubad, it’s still not normal

Ang pagkakaalam kasi ng lahat ay sina AJ Raval at Angeli Khang pa rin ang naglalaban sa nasabing titulo pero base nga sa pinakabagong statistics ang Vivamax Queen na ngayon ay si Azi Acosta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Azi Acosta (@azi.acosta)


Sabi ni Vincent, sa top three highest earnings ng Vivamax, dalawa ay pelikula ni Azi, “Sa top three movies ng Vivamax, dalawa ang pelikula ni Azi, kaya siya ang masasabing reyna ng Vivamax.

“Dahil din ito sa walang pelikula lately si AJ, kapag naipalabas na ang movie ni AJ, let’s see,” sabi pa ni Boss Vincent.

In fairness, sa bagong line-up ng mga pelikulang ihahandog ng Vivamax sa mga nalalabing buwan ng 2023, may dalawa hanggang tatlong proyektong gagawin si Azi.

Bukod dito, napili rin siya para sa bagong all-female group ng Viva na A-Listers kasama sina Queen Carrillo at Ayana Misola na kabilang nga sa mga nag-perform sa 7 million subscribers celebration ng Vivamax.

Anak ng pastor sumabak na rin sa paghuhubad, nag-sorry: Pasensiya na lang po kasi ito ang pinili kong work

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vivamax bombshell Azi Acosta ginulat ang press, ‘naglabas’ ng boobs sa loob ng sinehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending