Vivamax bombshell Azi Acosta walang arte sa paghuhubad at sex scenes sa 'Suki': Mas matindi ang ginawa ko rito bilang pokpok! | Bandera

Vivamax bombshell Azi Acosta walang arte sa paghuhubad at sex scenes sa ‘Suki’: Mas matindi ang ginawa ko rito bilang pokpok!

Ervin Santiago |February 20,2023
facebook
share this

Vivamax bombshell Azi Acosta walang arte sa paghuhubad at sex scenes sa ‘Suki’: Mas matindi ang ginawa ko rito bilang pokpok!

Ervin Santiago - February 20, 2023 - 08:15 AM

Vivamax bombshell Azi Acosta walang arte sa paghuhubad at sex scenes sa 'Suki': Mas matindi ang ginawa ko rito bilang pokpok!

Azi Acosta

GAME na game sa walang patumanggang paghuhubad at matitinding sex scenes ang sexy star na si Azi Acosta sa bagong Vivamax Original movie na “Suki.”

Matapos maging support sa mga previous movies ng Vivamax, humahataw na ngayon bilang bida si Azi dahil hindi lang siya palaban sa pagpapa-sexy, kundi may angkin din siyang talento sa pag-arte.

Unang napanood ang dalaga sa  “Babaeng Nawawala sa Sarili” at “Selina’s Gold” hanggang sa bigyan na siya ng Vivamax ng kanyang launching movie, ang “Pamasahe” na nag-number one sa streaming platform ng Viva Films.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Azi Acosta (@azi.acosta)


Bumida rin siya sa “Cinema Parausan” ng kontrobersyal na “Erotica Manila” series kung saan gumanap siya bilang single mom na nag-aalok ng “extra service” sa mga lalaking naghahanap ng sex sa loob ng sinehan.

Sa “Suki” naman na isinulat at idinirek ni Albert Langitan (nakapagdirek na ng mga teleserye sa GMA at ABS-CBN), she’s playing a stripper sa isang bar.

Sey ni Azi, “This is definitely my most daring. Mas matindi ang mga ginawa ko rito considering my role as a pokpok.

“I think na, dito, I out-performed myself in my past roles. I play Eba, the star stripper sa isang night club for men. May nanay ako, na naging pokpok at drug addict, played by Miss Yda Manzano, na sinasampal-sampal ako.

“Tapos, ayun nga, na-in love ako sa isang macho dancer sa isang gay bar, played by John Flores as Adan.  Naging suki niya ako and na-in love din siya sa akin.

“Nagsama kami sa usapang walang magseselos kahit lumabas kami with other customers, pero hindi nangyari yun,” kuwento pa ng dalaga.

Kumusta naman katrabaho ang baguhang aktor na si John Flores?  “Pareho lang naman kaming baguhan, but mas bago siya kasi first movie pa lang niya ito. So parang bininyagan ko siya rito.

“Okay naman siya, may dramatic scenes kami na so challenging, kasi umiiyak ako habang nagbabatuhan kami ng lines, but naitawid naman namin.

“Puro first time ko silang nakatrabaho rito, including si Direk Albert, and si Jiad Arroyo as my suitor who offered to give me a new life but I rejected him at mas pinili ko ang kapwa ko pokpok,” chika ni Azi.

Iikot ang kuwento ng “Suki” sa kakaibang love story nina Eba (Azi Acosta) at Adan (John Flores).        Si Eba ay isang GRO sa club, si Adan naman ay gigolo sa gay bar.

Naging suki na ni Adan si Eba dahil tuwing pupunta si Eba sa gay bar ay magpapa-VIP ito at ibu-book si Adan. Dahil madalas magsama at sa dami ng sexual encounters nilang dalawa, mapapansin nila na sexually compatible sila. Mahuhulog ang loob nila sa isat isa at mapapadesisyonang mag-live in.

Sa pag-level up ng kanilang relasyon, mas dadami rin ang problema at bagay na pagtatalunan nila. Bilang GRO at gigolo, paano nila iiwasan ang tukso kapag nasa trabaho? Paano nila pakikitunguhan ang mga customer na binabayaran ang oras nila?

Anong mga hangganan at limitasyon ang ibibigay ni Eba at Adan para sa isa’t isa?

Makakasama rin sa movie sina Katya Santos, Gwen Garci, Chad Kinis at Alona Navarro. Mapapanood na ito exclusively sa Vivamax simula sa February 24.

Anak ng pastor sumabak na rin sa paghuhubad, nag-sorry: Pasensiya na lang po kasi ito ang pinili kong work

Vivamax bombshell Azi Acosta ginulat ang press, ‘naglabas’ ng boobs sa loob ng sinehan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeli Khang hinding-hindi makakalimutan ang rape scene nila ni Markki Stroem sa ‘Virgin Forest’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending