Sasakyan ni Jerald nabangga ng truck, pinatawad agad ang driver

Sasakyan ni Jerald Napoles nabangga ng truck, pinatawad agad ang driver: ‘Mag-ingat ka sa susunod!’

Pauline del Rosario |August 27,2023
facebook
share this

Sasakyan ni Jerald Napoles nabangga ng truck, pinatawad agad ang driver: ‘Mag-ingat ka sa susunod!’

Pauline del Rosario - August 27, 2023 - 02:01 PM

Sasakyan ni Jerald Napoles nabangga ng truck, pinatawad agad ang driver: ‘Mag-ingat ka sa susunod!’

PHOTO: Screengrab from Facebook/Jerald Napoles

NAKAKALOKA naman ang nangyari sa actor-comedian na si Jerald Napoles.

Pauwi na kasi ang aktor mula sa panonood ng FIBA World Cup 2023 Opening nang maaksidente siya sa daan.

Sa isang Facebook post, ibinandera ni Jerald ang video na nabangga ang kanyang SUV ng isang truck.

Mapapanood sa naturang video na kinakausap ng aktor ang driver ng truck.

“Sinuyod mo ako, pare. Ayan ‘yung nangyari (sabay turo sa nawasak niyang kotse),” sey ng aktor sa truck driver.

Pero imbes na magalit, tila inintindi nalang ni Jerald ang kalagayan din ng driver na naghahanap-buhay lang din para sa pamilya.

“Pare, hindi na kita sisingilin para wala tayong problema,” saad ng aktor.

Patuloy niya, “Actually, may problema ako dito sa’yo, sinira mo ‘yan. Pero alam ko naman na hindi mo kayang [bayaran] ‘diba? Kaysa humaba pa tayo dito, mag-cause tayo ng traffic okay na ‘yun.”

Baka Bet Mo: Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye

Laking pasasalamat naman ng truck driver na hindi na siya siningil sa nangyari.

Sambit pa sa kanya ni Jerald, “Pero ang gusto ko lang mangyari, mag-ingat ka sa susunod. Hindi laging ako ‘yung makakasalamuha mo. Hindi laging ganito ang mababangga mo.”

“Kung ‘yung driver seat ang natira mo pare baka ‘yung buhay ko ang na ano mo…Sa susunod mag-ingat ka ha,” paalala pa niya sa driver.

Patuloy namang nagpapasalamat ang driver, ‘Maraming, maraming salamat idol!”

Sa caption ng nasabing post, inilahad ni Jerald ang buong pangyayari sa insidente.

“Katatapos ko lang manood ng Gilas Pilipinas vs Dominican Republic sa FIBA World Cup opening. Masaya ang experience kahit hindi tayo nanalo sa game. Pauwi na ako sa amin nang biglang naaksidente pa at nasuyod / bangga ng truck,” wika niya sa FB.

Kwento pa niya, “Umangat bumper ko, basically nauuna na ako pero ipinasok pa niya sa lane ang truck kaya pa-angat ang wasak ng bumper ko.”

“Hindi na ako nakaandar kasi tuloy-tuloy ang truck. Halos patawid na siya na parang walang tinamaan. May kasama siya sa passenger seat niya sa side ko na parang dedma lang,” patuloy niya.

Chika pa niya, “Hinarang ko ang truck para kausapin sa nangyari kasi parang uunahan na niya ako. Pinababa ko si kuya at eto nasa video ang usapan namin.”

Ayon kay Jerald, ayaw na niyang dagdagan ang kanilang problema kaya pinalampas niya ang nangyari.

Alam din daw naman niya na mas may kaya siya sa buhay kaya hindi na niya pinagbayad ang driver na nakabangga sa kanyang sasakyan.

“Kung irereklamo ko naman at ipipilit ko ang kakayanan at pagbayarin si kuya driver siguradong ikakaltas pa sa sahod niya ’to… Imbes na solusyon, dagdag problema pa ang mangyayari… Bilang ako ang mas may kakayanang pinansyal, hindi ko na kinumplika,” caption ng aktor.

Pinagsabihan nalang daw niya ang driver na mag-ingat sa susunod at nagpasalamat na wala namang nangyaring masama sa kanilang dalawa.

Sa huli ay nagbigay pa siya ng mensahe sa truck driver, “Kuya Ranzy mag ingat at sana ito na ang huli mong disgrasya.”

“Pagpalain ka nawa at ang iyong pamilya. Magsilbing aral ito sayo at sa akin na rin. Laging panaigin ang tamang katwiran [para] hindi maka agrabyado ng kapwa. Malaki ang bangga pero lamang ang kasiyahan sa buong araw. Dun na lang ako mag fofocus,” aniya pa.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kyline nakisakay sa delivery truck mula Bicol hanggang Maynila para makapag-audition: ‘Wala po kasi talaga kaming pambayad sa bus’

Vice Ganda magsasampa ng kaso, may pakiusap sa contractor ng driver na nakabangga sa kanila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending