Tessie Tomas paboritong youngstar sina Francine at Seth

Tessie Tomas paboritong youngstar sina Francine at Seth, nagbigay ng advice: ‘Ang katanyagan ay hindi forever’

Pauline del Rosario |August 27,2023
facebook
share this

Tessie Tomas paboritong youngstar sina Francine at Seth, nagbigay ng advice: ‘Ang katanyagan ay hindi forever’

Pauline del Rosario - August 27, 2023 - 11:55 AM

Tessie Tomas paboritong youngstar sina Francine at Seth, nagbigay ng advice: ‘Ang katanyagan ay hindi forever’

Tessie Tomas, Francine Diaz, Seth Fedelin

BINIGYANG-DIIN ng seasoned actress na si Tessie Tomas ang kahalagahan ng pagkukumbaba sa mundo ng showbiz.

Tinalakay ‘yan ng batikang aktres matapos siyang tanungin ng talent manager at komedyante na si Ogie Diaz patungkol sa mga naging karanasan niya pagdating sa pakikipagtrabaho sa mga mas batang artista.

Base sa mga nakita ni Tessie, maraming young artists ang tila hindi nag-eeffort na lapitan ang mga beteranong artista.

“Actually, hindi sila (younger stars) masyadong lumalapit sa amin,” pagbubunyag niya.

Nilinaw din naman niya na hindi lahat ay ganun at biglang nabanggit ang kanyang paghanga sa co-stars niya sa “Dirty Linen” na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Baka Bet Mo: Tessie Tomas napanganga sa mansiyon na gagamitin sa ‘Dirty Linen’: OMG! Milyon ang ginasta, wala ditong fake!

Sey ng veteran actress, “Pero ako, sobrang respeto ko kay Francine and Seth. Naging favorite ko sila kasi nag-vlog ako about them [and] naintindihan ko ang kanilang buhay.”

Inalala pa ni Tessie ang mga parangal na ibinigay niya sa dalawa when it comes to fame.

Ang madalas daw niyang sabihin, “Wag kayong makakalimot ng pinanggalingan niyo tsaka ‘wag kayong magpapadala sa yabang, because fame is so impermanent.”

Nang tanungin naman ni Ogie si Tessie kung ano ang mga aral na nais niyang ibahagi upang tumagal sa showbiz industry.

“Kailangan talaga passionate ka sa trabaho mo at alagaan mo,” saad ng seasoned actress.

Patuloy pa niya, “Ang katanyagan ay hindi forever. Ang katanyagan ay aabutin ng ilang taon kaya hindi dapat pumasok sa ulo mo ‘yun.”

“Stay humble, stay grounded and above it all, always thank Him dahil ang talent mo ay hindi nanggaling sa’yo [kundi] nanggaling sa Kanya,” dagdag pa niya.

Si Tessie ay gumaganap sa karakter bilang Doña Cielo sa “Dirty Linen” na kung saan ay nagtapos na ang episode nito noong August 25.

Bukod Kina Tessie, Seth, at Francine, ilan pang cast members ng nasabing serye ay sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, John Arcilla, Epy Quizon at Angel Aquino.

Related Chika:

Liza Soberano nagluluksa rin sa pagpanaw ni Cherie Gil: Your art and soul will remain with us forever…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lola ni Jake Zyrus malungkot sa nangyayari sa apo, ani Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending