Tessie Tomas emosyonal nang balikan ang mala-teleseryeng paghihiwalay nila ng ex-dyowa: 'Mas masahol pa siya sa rape!' | Bandera

Tessie Tomas emosyonal nang balikan ang mala-teleseryeng paghihiwalay nila ng ex-dyowa: ‘Mas masahol pa siya sa rape!’

Alex Brosas |August 20,2023
facebook
share this

Tessie Tomas emosyonal nang balikan ang mala-teleseryeng paghihiwalay nila ng ex-dyowa: ‘Mas masahol pa siya sa rape!’

Alex Brosas - August 20, 2023 - 07:42 AM

Tessie Tomas emosyonal nang balikan ang mala-teleseryeng paghihiwalay nila ng ex-dyowa: 'Mas masahol pa siya sa rape!'

Tessie Tomas

IBANG klase palang hugot ang ginawa ni Tessie Tomas sa isang eksena niya sa “Dirty Linen”.

Sinabihan kasi siya ni direk Onat Diaz na kailangan niyang magpakita ng matinding emosyon sa pagkikita nila ng Alejandro character ni Soliman Cruz. Ni-rape kasi siya nito kaya sa kanilang encounter ay kailangang galit na galit siya.

“Meron ding isang eksenang parang ewan. Hindi yata ako nakapag-lunch noon. Sabi niya kasi doon sa eksena namin ni Alejandro (Soliman Cruz), ‘Tita, I just want you to feel’…parang ang sinabi niya, hindi ko na rin maalala masyado, ‘ni-rape ka rito.’ Tama ba direk?’ ‘Ni-rape ka, eh.’

“I want to see that. I want to see your pain, your anger. Parang mga five to 10 emotions all at the same time. Hindi ko na matandaan kung ano,” chika ni Tessie sa finale mediacon ng “Dirty Linen”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nahirapan si Tessie dahil in real life ay hindi naman siya na-rape, “Eh, hindi ako na-rapesa buhay ko. So, parang hindi ko maisip kung saan ko huhugutin.

“At saka dito, remember you only have  10 minutes to prepare because marami pang eksenang gagawin. Minsan, kapag hindi ka pa ready, gumaganon-ganon ang kamay ng mga tao or may nagdadaldalan, nagdadaldalan ang crew na ayokong-ayoko.

“Anyway, sabi ko, ‘direk, actor’s cue, actor’s cue.’ Ang in-imagine ko na lang, puwede ko namang sabihin ‘to kahit buhay pa siya, iba ‘yung hugot ko doon sa ex ko.

“Pinipigil ko ang luha ko ngayon pero iyon ang isa sa pinakamasakit. Naramdaman ko, ginamit ko siya. Buti naman napakinabangan ko siya. Kesa naman inutil na siya. Na inutil na rin kasi nga na-stroke ‘yun, eh, pero buhay pa.

“Wala naman akong ikinakahiya. Alam naman lahat ng tao ‘yun, eh. Saka friends naman kami ngayon,” paliwanag niya.

“Parang ginanu’n ko na lang. Parang I think I am sharing this technique, baka sakali magamit ng ibang actors.

Baka Bet Mo: Veteran actress at ina ni Tessie Tomas na si Laura Hermosa pumanaw na

“Kasi kapag ano, nagmamadali ang mga tao. You could feel the pressure and yolu have to perform that particular obligation given to me by my director. So, sabi ko, papaano nga ba?” dagdag niya.

Itsinika niya kung ano ang nangyari sa kanila ng kanyang ex-boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Parang sabi niya, ‘iiwan na kita kasi meron na akong ibang pupuntahan. Pero babalik din ako.’ ‘Ah, talaga, ha.’ PI na PI (mura) ka, sabi ko talaga. Wala ka nang babalikan dito.’ Hinulog ko siya sa hagdan. Pero hindi nahulog. Ang taas (niya), eh.

“I mean, he actually left me. I tried to recall that, no matter how painful it was. Sabi ko, masahol pa siya sa rape. Gagamitin ko ito. Iyon ang ginamit ko,” dagdag pang chika ng veteran actress.

Inaabangan na ng mga manonood ang huling dalawang linggo ng sikat na Kapamilya teleseryeng “Dirty Linen” kung saan masasaksihan ang walang katapusang ganitihan na mauuwi sa patayan ng dalawang pamilya nina Alexa (Janine Gutierrez) at Aidan (Zanjoe Marudo).

Tutukan ang laban ng mga nais makamit ang hustisya at ng mga sakim sa kapangyarihan sa huling dalawang linggo ng “Dirty Linen” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Malalagay sa alanganin ang buhay ng mga karakter dahil itotodo na ni Carlos (John Arcilla) ang kanyang kahibangan bilang nag-iisang “hari” ng pamilya Fiero matapos niyang malaman na sa kanya lang ipinamana ang milyon-milyong pera at ari-arian ng buong pamilya.

Babawian naman ni Alexa at ng kanyang mga kasabwat na sina Rolando (Joel Torre), Max (Christian Bables), at Lala (Jennica Garcia) ang pamilya Fiero dahil mapipilitan silang gumawa na rin ng karahasan upang mapaamin ang mga ito sa patong-patong nila mga krimen, kabilang na ang matagal nang palaisipan kung sino nga ba ang totoong pumatay kay Olivia (Dolly De Leon), ang kabit ni Carlos at nanay ng half-sisters na sina Alexa at Chiara (Francine Diaz).
Ipinasilip din sa makapigil-hiningang finale teaser ng “Dirty Linen” ang tila pagkamatay ng ilang mga karakter.

Magugulantang din si Aidan sa sunod-sunod na matitinding rebelasyon at ang paglitaw ng mga baho ng sarili niyang pamilya.

Makakamit na ba ni Alexa ang hustisya laban sa mga Fiero? Sino-sino ang mananatiling buhay pagkatapos ng lahat ng ito?

Huwag palampasin ang pasabog na finale ng “Dirty Linen” sa Agosto 25 (Biyernes) ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel.

Tessie Tomas napanganga sa mansiyon na gagamitin sa ‘Dirty Linen’: OMG! Milyon ang ginasta, wala ditong fake!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lola ni Jake Zyrus malungkot sa nangyayari sa apo, ani Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending