Lola ni Jake Zyrus malungkot sa nangyayari sa apo, ani Cristy Fermin Bandera

Lola ni Jake Zyrus malungkot sa nangyayari sa apo, ani Cristy Fermin

Reggee Bonoan |March 11,2022
share this

Lola ni Jake Zyrus malungkot sa nangyayari sa apo, ani Cristy Fermin

Reggee Bonoan - March 11, 2022 - 07:41 PM

Lola ni Jake Zyrus malungkot sa nangyayari sa apo, ani Cristy Fermin

HANGGANG ngayon ay napag-uusapan pa rin si Jake Zyrus sa viral photo niyang topless sa mga face to face events ngayon dahil siya nga lang din kasi ang namumukod tanging transman ang naglabas ng kasalukuyang larawan niya sa social media.

Sa ikalawang episode ng “Showbiz, Now Na” bagong YouTube channel ni Nanay Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Morly Alinio na in-upload kagabi ay isa si Jake sa napag-usapan.

“Nagpakita ng kanyang dibdib na pinatapyas na niya o pinaliit,” bungad ng batikang manunulat at host.

Sundot ni Romel Chika, “wala na ang kanyang bobey.”

“Maganda ba naman ang pagkakatapyas?” tanong ni Morly.

“’Yun na nga ang dami-dami nating reaksyon na natatanggap na sana hindi na lang niya ginanu’n. Okay na nag-open siya na siya ay transgen,” giit ni nanay Cristy.

Tanong ulit ni Morly, “yun nga iniisip ko nagpatapyas siya, hindi kaya tumubo ulit?”

“Tapyasin ulit,” birong sabi ni Romel Chika.

 


“Paulit-ulit na tapyasin?” baling ni ‘nay Cristy kay Morly.

At nagkatawanan ang tatlong “Showbiz Now Na” hosts.

“Heto na nga, siyempre ang unang-unang nalulungkot at nagugulumihanan sa isyung ito, ang kanyang kapamilya, mga kadugo niya tulad ng nagpalaki sa kanya (Jake). Si Nanay Tessie (Relucio) na parati nating nakikitang kasa-kasama niya nu’ng lumaban siya sa ‘Little Big Star’, naalala mo?” tanong kay Morly.

“Oo naka-dress pa siya ng pa-girl,” say naman ng co-host.

Sabi pa ni ‘nay Cristy, “alam mo sabi nga ni Nanay Tessie na masyado siyang lungkot na lungkot sa nagaganap sa kanyang apo. (Jake)

At ang sabi raw ng lola ni Jake, ‘Charice ang dibdib ng babae ay nagbibigay ng buhay sa mga sanggol!”

“Totoo naman ‘yun kasi sa mga bobey kumukuha ng lakas ang mga sanggol (sabay muwestra),” say ni Romel Chika.

Sa pagpapatuloy ni ‘nay Cristy, “at saka ang mga bagong panganak (na ina) kailangan makuha ang colostrum para sa kanilang system. At may kasunod pa (sabi ni lola Tessie), ‘tandaan mo ito Charice (Jake), babae ka pa rin buwan-buwan rereglahin ka pa rin!’

Hirit nina Romel Chika at Morly, “sinabi niya ‘yun?”

Natawa si Nanay Cristy sabay siko kay Morly, “Ikaw talaga, aktres! Natural lang naman na masaktan si nanay Tessie kasi siya ang nagpalaki kay Charice.”

Naibahagi rin ng manunulat na modista o mananahi ang lola Tessie ni Jake na kapag may sobrang tela ay hinihingi niya ito sa mga nagpatahi para gawing damit ng apo at may magamit kapag sumasali sa singing contest.

Nakakalungkot kasi wala na sa poder ni Jake ang lola niya, pati rin daw nanay niyang si Racquel Pempengco.

Kuwento ni Morly, “May tsismis pa nga diyan doon sa Cabuyao (Laguna) kinuha ni mommy Racquel si Mommy Tess matapos pumunta kay Tulfo (Raffy), doon nagsumbong tapos after one week pinaalis ulit si Nanay Tess, pinadala sa kapatid.”

At dito na inamin ni ‘nay Cristy na lagi silang nagpapalitan ng mensahe ni Lola Tessie na walang pamasahe pauwing Lopez, Quezon.

“Sabi niya, ‘Anak hindi ako makauwi sa Lopez, Quezon kasi wala akong pamasahe’. Si Japs Gersin (kanang kamay ni nanay Cristy) na ang pinamahala ko. Ang akin lang, ito ‘yung matanda na nag-alaga sa ‘yo nu’ng ikaw ay nakikipagsuntukan palang sa buwan bilang singer, kasama mo, nagpupuyat, nagpapagod. Anong kinahinatnan ni nanay Tessie?” kuwento ni nanay Cristy.

Napag-usapan din ang ipinagawang bahay ni Jake na nawala na raw.

“Sabagay kung babalensihin naman natin ang isyu may dapat ding kuwestiyunin si Jake kasi lahat ng kinita niya hindi niya nakita (san napunta) dahil ang humawak ng kinita niya ay ang mommy niyang si Racquel. Wala namang napunta kay nanay Tessie,” pahayag pa ni ‘nay Cristy.

Masalimuot ang kuwento nina Jake, nanay Racquel at nanay Tessie dahil magkakaaway silang tatlo.

Related Chika:
Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!
Liza Dino sa viral ‘dibdib’ photo ni Jake Zyrus: Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, suportahan natin siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending